Chapter 36

16 3 0
                                    

Chapter 36

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising lamang ako ng may narinig akong ingay sa labas, ang boses iyon ng mga kaibigan ko. Kinusot ko ang mata ko at bumangon. Napahinto pa ako ng mapansin na nakatakip na sa akin ang comforter samantalang natulog akong basta na lang nakahilata.

Bumaba ako ng kama at kinuha ang bag ko sa gilid. Naghanap ako ng pupwedeng suotin. Napansin ko sa bintana na madilim na kaya sinuot ko na lamang iyong maong short ko at crop top na damit.

Pumasok ako sa banyo at naligo. Pagkatapos ng ilang minuto ay nag bihis at lumabas na ako. Nakita ko sina Ayesha na nakaupo sa may sofa habang nanonood ng isang palabas.

Abala naman ang mga lalaki sa may bar area, napansin kong wala doon si Drake kaya naman iginala ko ang paningin ko.

"Lumabas si Drake." si Kian na inabutan ako ng isang baso ng wine.

Lumapit sina Marcus na may dala dala ding ibang baso at iniabot iyon kina Ayesha.

"Mag bo-bonfire kami, sasama ka ba Chanel?" tanong ni Zarene.

Ngumiti ako at tumango. Halos hindi ko na sila naka bonding kanina dahil nag pahinga ako.

"Ayan na pala 'yung hinahanap mo, Chanel." si Kian na itinuro sa akin iyong likod ko.

Lumapit si Drake sa pwesto namin.

"Anong ginawa mo?" tanong ko dito.

"Tumawag si Dad, sinagot ko lang." hinawakan ako nito sa ulo at bahagya iyong hinaplos. "How's your sleep? Nakapag pahinga ka ba ng maayos?"

"Oo. Nga pala, sasama ka ba sa amin? Mag bo-bonfire?"

Nilingon nya sina Marcus, tumango ito at muling lumingon sa akin.

"Hindi kana ba busy?" tanong ko.

Umiling ito. "I have already finished my work."

Bahagya na lamang akong tumango at sumimsim sa wine na binigay sa akin ni Kian.

Buti naman, hindi din ako gaganahan kung hindi sya sasama. Ayoko na nag eenjoy ako samantalang sya ay abala sa trabaho nya.

Pagkalipas ng ilang minuto ay nag aya na sina Ayesha na simulan na ang bonfire. Kaya naman lumabas na kami ng room at nag tungo sa dalampasigan.

Ang mga lalaki ang syang nag ayos ng mga kahoy at apoy. Kami namang mga babae ay abala sa paglalatag ng mga makakain at ilang bote ng alak.

Pagkatapos gawin iyon ay bumilog na kami. Si Leila ang syang nag abot ng tig-iisang alak sa amin.

"Literal na bonding." pahayag ni Ayesha na agad itinaas ang kanyang kamay na may hawak na bote. "Cheers para sa ating lahat!"

"Cheers!" sigaw naming lahat bago itinaas ang bote at sabay na uminom doon.

More on kwentuhan at kulitan ang naganap habang dinadama ang hampas ng malamig na hangin sa aming katawan. Bawat isa ay pinagmamasdan ko, iniisip ko kung after graduation ba magkakasama parin ba kami? After graduation ba magkakaibigan parin ba kami?

Ang mga ngiti nila, sana hindi na mapawi pa. Gusto ko after a year makikita ko parin sa mga labi nila ang saya. Kung may babalikan man siguro ako kapag nasa future na ako, ito iyon.

Nakilala ako bilang isang binubully na babae, a nerd person they already know. Walang ibang kasama kundi si Ayesha at Zarene. Tahimik sa klase, habang pinag titripan ng apat na lalaking ito. Pero akalain mo nga naman ano? Sila parin pala ang syang magiging parte ng buhay ko.

Nilingon ko si Drake, malaki ang ngiti nya habang nakikipag usap kina Lienzo. Hindi ko akalain na ang lalaking ito ang syang bibihag ng puso ko. Never kong pinangarap na ibigin sya, dahil galit ako sa kanya. Nakilala ko sya bilang babaerong tao. Pero hindi naman pala ganon ang totoo. Mga babae lang talaga ang syang lumalapit sa kanya.

Accidentally Fall In Love (Love Back Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon