Chapter 19

24 3 0
                                    

Chapter 19

Tulala akong pumasok sa school kinabukasan. Tila hindi parin ma proseso ng utak ko kung papaanong nasabi iyon ni Drake sa harapan ko. Gusto nya na din ba ako?

Muntik na akong madapa dahil sa pag iisip. Mabuti na lang at may kamay na syang humawak sa braso ko upang hindi ako tuluyang madapa.

Napalingon ako sa gilid ko at nakita ko si Ryan. Ano na namang ginagawa nya dito sa building ng high school?

Mabilis kong inalis ang kamay nya sa braso ko. At inayos ang tayo ko.

"Anong ginagawa mo na naman dito?" takang tanong kong nilingon sya.

"May pupuntahan lang ako. Bakit ba ang issue sa'yo na naririto ako?" aniyang nainis na naman ata sa tanong ko.

Napairap na lamang ako sa kawalan. Palagi na lang syang galit sa akin akala mo palagi may ginagawa akong masama sa kanya. Sya nga yung kung nasaan ako nandoon din sya.

"Ryan?"

Nag-angat ako ng tingin ng marinig ang tawag na iyon sa pangalan ng katabi ko. Natanaw ko si Marcus na papalapit sa amin kasama iyong tatlo. Nag iwas agad ako ng tingin ng makita ko si Drake.

Aalis na dapat ako ng marinig kong tinawag ni Ryan si Marcus sa pangalan nito.

Natiligilan ako at pinag masdan sila. Bakit sila magkakilala?

"Magkakilala kayo?" takang tanong ko kay Marcus.

Bubukas sasara ang bibig nya. Hindi ko malaman kung ano ang gusto nyang sabihin.

"Tutor nya ako." sabi ni Ryan sa tabi ko.

"Tutor saan?"

"Cooking study." tipid niyang sagot.

Nilingon ko si Marcus at tumango tango ito.

"Kayo bakit kayo magkakilala?" takang tanong naman nito sa akin.

"Kapatid sya noong batang niligtas ko." sabi ko at bahagyang nilingon si Ryan.

"I see. Anyway, Chanel tara sa hideouts. Wala naman tayong klase, abala ang teacher sa seminar para sa nalalapit na intrams." aya ng pinsan kong hinila na ako sa kamay ko.

Nilingon ko si Ryan na hinabol kami ng tingin, nag patianod na lamang ako sa pinsan ko.

"Nasa hideouts sina Ayesha at Zarene." sabi ni Kian.

Tumango na lamang ako habang naglalakad kami papunta sa hideouts nila.

Naabutan nga namin iyong dalawa na nakahiga na sa sofa at tila nire-relax ang sarili.

"Bakit pala nandito kami?" takang tanong ko sa kanila.

Kasalukuyan na akong nakaupo sa mahabang sofa katabi si Zarene at Ayesha.

"Nabanggit ni Drake sa akin na nakipag kita sa'yo si Vrixie at inaway ka na naman." sabi ni Marcus na nakaupo sa isang upuan sa tapat namin. "Nag desisyon ako na pag Lunch or break time dumito na muna kayo para iwas gulo. Bukas ang hideouts na ito para sa inyo. Ayoko lang na may mangyari ulit sa'yo Chanel, ayokong nag aalala si Tita Chaney." seryosong sabi niya.

Naintindihan ko ang punto niya. Pero hindi ba dito nila dinadala ang mga babae nila? Kaya kung nandito din kami baka isipin ng mga estudyante na isa kami sa babae nila.

"Wala naman kayong gagawin at wala naman tayong mga klase, manood na lang kayo nang practice namin mamaya." sabi ni Marcus habang abala kami nila Zarene at Ayesha sa pag lalaro ng online games.

"May Schedule na ba ng laro nyo?" takang tanong ni Ayesha na bahagyang huminto sa pag lalaro.

Napatingin ako kay Drake na kasalakuyang nakikipag laro ng Chess sa kanilang tatlo nila Marcus sa may bar station. Tumigil ito sa paglalaro at lumingon sa amin. Nag tama ang mga mata naming dalawa, tila kuryente na naman ang mga titig niyang nanuot sa katawan ko.

Accidentally Fall In Love (Love Back Series 1)Where stories live. Discover now