Chapter 9

34 3 0
                                    

Chapter 9

Ramdam ko ang galit kay Drake dahil sa bilis ng patakbo niya ng kanyang sasakyan.

"Wala tayo sa car racing." sabi kong medyo naiinis sa bilis nyang mag patakbo.

Nang makarating kami sa tapat ng aming bahay ay inis akong nag tanggal ng seatbelt. Pero bago pa ako bumaba ay hinarap ko sya, seryoso lamang itong nakatingin sa unahan at ni hindi man lang ako matapunan ng tingin.

"Kung labag sa'yong utusan ni Marcus, pwede mo naman akong hayaan na lang. Hindi 'yung akala mo hawak mo ang buhay ko sa bilis mong mag patakbo." napairap ako at lumabas na ng sasakyan nya, padabog ko pang sinarado iyong pintuan.

Hindi ko na sya nilingon pa at pumasok na ako sa gate, sa gate pa nga lang ay amoy ko na agad ang ulam namin. Kaya naman nawala ang inis ko at patakbo ng pumasok sa loob ng bahay.

"Naks! Adobo!" sabi ko at naupo na sa upuan.

Pinaghain naman ako ni Mama ng pagkain.

"Tara Ma, sabay na tayo."

"Sige sandali lang at tatapusin ko lang ito."

Inantay ko ng matapos si Mama sa ginagawa nya at sinabayan na nga ako. Nakakakalhati na kami sa pagkain ng bigla syang nag salita.

"Kagagaling lang dito ni Marcus at tinanong nya ako kung pwede ka raw bang pumuntang party sa Sunday."

Naibaba ko agad ang kutsarang nasa bibig ko at tiningnan sya.

"Talagang pinangunahan nya akong mag paalam sa inyo?" sabi ko at napa irap pa sa kawalan.

"Gusto ka siguro ng pinsan mong maka attend kaya nauna ng mag paalam kesa sa'yo." ngumisi si Mama kaya naitikom ko ang bibig ko.

"Wala nga po sana akong balak, napilit lang ako."

"Ikaw pa, e kilala kita. Alam kong bahay ka lang ng bahay. Basta anak? Walang inumang magaganap ha?"

"Syempre naman Mama, tyaka wala naman talaga akong balak uminon ano."

"Mabuti kung ganon, hahayaan kita ng maranasan mo naman ang saya sa labas."
"Mama naman!"

"Oh bakit? Hindi ba't lagi kalang namang kulong dito sa loob ng bahay. Lalabas ka lang kapag papasok or hindi naman kaya mag jojogging."

Gusto ko mang umangal eh wala rin naman ako magagawa dahil tama sya. Hindi ako marunong makisabay sa mga babaeng nakakasalamuha ko. Pero ano bang magagawa nila? Eh ganun talaga ako eh, hindi pala labas ng bahay, gusto lang mag-aral, walang kaalam-alam sa nangyayari sa mundo. Sabihin na lang natin na inosente, dahil ganun naman talaga ako.

Pagkatapos kumain ay nag paalam na ako kay Mama upang umakyat na sa kwarto ko. Pakiramdam ko napagod ako kahit wala naman akong masyadong ginawa sa school.

Kakatapos lang namin mag shopping at pare-pareho kaming mga pagod pero hindi parin tapos dahil kailangan pa naming ipaayos ang mga buhok namin. Kanina ay sinundo nga kami ni Leila para sa ganito. Hindi naman na kami nakatanggi kahit nahihiya kami.

Napalingon ako kay Ayesha na busangot ang mukha. Kanina pa sya barino hindi ko alam kung bakit.

"Later na lang tayo kumain guys pag natapos na 'yung pag sasalon natin." nakangiting sabi ni Leila samin kaya tumango na lang ako.

"Kung unahin na lang kaya natin ang pagkain? Mas importante 'yon kesa sa pagsasalin!" bulyaw ni Ayesha kaya agad ko na naman syang hinila sa braso.

Minsan talaga hindi matali ang bibig nito! Alam nya bang nakakahiya sya dahil hindi naman sya ang gumagastos ng lahat? Pambihirang babae talaga 'to oh!

Accidentally Fall In Love (Love Back Series 1)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें