Chapter 35

18 3 0
                                    

Chapter 35

"Nakausap ko na pala si Ms. Veron." sabi ni Drake na pumasok sa loob ng sasakyan.

Hanggang ngayon ay balisa padin ako sa takot. Hindi ko alam kung papaano ko sasabihin kay Drake iyon.

"Are you sure you're okay? Balisa ka kanina pa." tanong nya.

"B-bigla ko lang kasing naalala iyong mga nangyari noong araw na nabaril ako." pagsisinungaling ko.

Wala akong lakas ng loob para sabihin sa kanya ang tungkol doon sa text. Hindi ko alam kung sino iyon at kung bakit alam nya ang buong pangalan ko. Kung pagbabanta iyon handa akong harapin sya, kahit takot na takot ako. Kaya ko syang harapin, dahil ayaw ko ng masangkot pa si Drake sa kung ano man ito.

Nakita kong may kinuha si Drake sa may dashboard. May hinanap sya roon, at ng mahanap nya na ay tumambad sa akin ang isang box na hindi gaanong malaki at hindi rin gaanong maliit.

"Ano 'yan?" takang tanong ko.

Binuksan nya ito at at kinuha ang isang purselas na naroroon. Kinuha nya ang kaliwang kamay kong nasa ibabaw ng hita ko. Isinuot nya iyon sa akin.

Simple lamang ang kanyang itsura, kulay ginto ito na may maliit na bilog sa pagitan ng kanyang manipis na band. Tiningnan ko si Drake habang hawak ang kamay ko.

"When you wake up after being unconscious for a few days. I saw it in a mall, they say, it helps with bad dreams. I immediately thought of you when I saw that because of the trauma I knew you had. Naging abala ako sa kaso ni Dayson kaya nakalimutan ko na ito."

Kinuha ko sa kanya ang kamay ko at pinagmasdan ang purselas. Nilingon ko si Drake, may ngiti sa mga mata ko pero hindi noon naitago ang pangingilid ng luha ko.

"Use that on bad dreams you have. When you think that happened, just hold on to it. It will also serve as a sign that I'm with you and I will never be lost to you."

"Drake..."

"Hmm?"

"Thank you."

Tumango ito at hinila ako, pinatakan nya ako ng halik sa noo.

Hindi ko alam kung ano pang mangyayari sa akin kung wala sya. He doing his best for me, alam ko at nakikita ko iyon. Ito siguro ang sign na ginagawa nya para ipakitang mahal nya ako.

"May problema ka ba?"

Nagulat ako ng makita ko si Ayesha sa gilid ko. Nasa field ako ngayon, mag isa. Wala si Drake, nag sabi ito sa akin na hindi daw sya makakapasok dahil may aasikasuhin sila ng Tito nya.

Kanina pa ako dito, hindi ako nag lunch time para lamang pag isipan ang mga bagay-bagay. Lalo na ang kung sinong nag te-text sa akin. Kanina pa ako napapaisip kung iuunblock ko ba ang numero ng tao na iyon para tanungin kung sino sya at anong ibig nyang sabihin, ngunit natatakot ako na baka isa iyong pagbabanta.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kaibigan ko.

Mag isa lang din itong pumunta dito ngayon. Hindi ko alam kung nasaan sina Zarene at Leila.

"Nasaan iyong dalawa?" tanong ko ulit.

"Nag halfday si Zarene, may aasikasuhin daw. Si Leila naman ay kasama ni Lienzo ngayon, kumakain silang dalawa." aniyang naupo sa tabi ko. "Bakit ka nandito? Si Drake hindi mo kasama?"

"Absent sya, may inaasikaso din."

Tumango ito at sumandal sa sandalan ng inuupuan namin. Sandaling katahimikan, tanging mga nag lalaro lamang ng soccer ang syang nag sisilbing ingay sa paligid.

Accidentally Fall In Love (Love Back Series 1)Where stories live. Discover now