Chapter 45

25 3 0
                                    

Chapter 45

"Alagaan mong mabuti ang sarili mo." si Papa habang nakasuot ng kulay puting damit.

Nangunot ang noo ko, malayo ito sa akin. Pinilit kong lumapit ngunit parang hindi ako umaalis sa pwesto ko.

"Aalis ka ba ulit?" tanong ko sa kanya. "Iiwan mo ba ulit kami ni Mama? Bakit kailangan mo pang umalis ulit?"

"Kasi kailangan na anak ko."

Umiling ako, naiiyak na.

"Papa, ang tagal kitang hinintay, ang tagal kong inasam na makasama ka at makausap ka. Bakit kung kailan nandito kana ay aalis kana ulit? Saan ka pupunta?"

"Sorry sa lahat ng mga kasalanan ko anak, sana mapatawad mo ako, sa pag alis ko, sa pag iwan ko sa inyo ng Mama mo."

Umiyak ako. "Papa! Nakakainis ka! Hindi ako kailanman nagalit sa'yo sa panahong inaantay kita, wala akong ibang inisip kundi ang makasama at muli kang makita. Pero bakit nyo ako pinag kaisahan lahat? Bakit mas pinili mong mag tago kesa ang magpakita sa akin?"

"Maraming rason anak ko, kaya gumising kana para malaman mo."

Nangunot ang noo ko.

"Gumising? Bakit Papa? Mukha ba akong nanaginip?"

"Anak? Mahal kita, walang araw na hindi kita inisip. Alagaan mong mabuti ang sarili mo, mananatili kayo sa puso ko."

Tumalikod na ito, naalarma ako kaya sumigaw ako at tinawag sya.

"Papa!" nagmamakaawa ang boses ko. "Huwag mo na ulit akong iwan, ayoko ng magkaroon pa muli ng mga katanungang kailanman ay hindi ko kayang itanong sa'yo. Papa! Pakiusap! Huwag kana umalis."

Ngunit parang wala syang naririnig dahil diretsyo lamang ang kanyang lakad. Tumakbo ako at hinabol sya, ngunit nadapa ako.

"Papa..." umiyak ako habang pinipilit syang tawagin ng boses kong namamaos na.

Nagising ako. Panay ang patak ng luha sa aking mata, mabilis akong bumangon. Napatingin ako sa paligid at napagtanto kong nasa silid ako ng hospital.

Anong gina-gawa ko dito? Nahimatay na naman ba ako?

Napatingin ako sa pumasok. Namataan ko si Mama, namamaga ang kanyang mga mata.

"Anak!" sigaw nya at mabilis na lumapit sa akin at yumakap. "Salamat at gising kana." aniya at umiyak sa balikat ko.

Nilingon ko ang sumunod na pumasok, natanaw ko si Ryan at Rj, namamaga din ang mata nila pareho.

"A-anong nangyayari?" tanong ko sa kanila. "S-si Papa? Nakausap ko si Papa, umalis sya ulit. Saan daw sya pupunta?" sunod-sunod na tanong ko.

"Nuna!" mabilis na tumakbo si Rj sa kama ko at umiyak ito.

"Bakit anong nangyari?"

Hindi ito sumagot, iyak lamang ang naging sagot nya. Maging si Mama na nasa gilid ko.

"Sagutin nyo ako, anong nangyari?" sabi ko na naiinis na. "Nasaan si Papa? Bakit sya umalis ulit huh? Ano hindi nya ba kayang magpaka ama sa akin? Aalis ulit sya at magtatago? Hindi ulit magpapakita ng halos ilang taon huh?"

"Chanel." Si Ryan at seryoso akong tiningnan. "Si Daddy..." tila nahihirapan itong mag salita.

"Ano? Bakit ba huh? Bakit sya umalis?"

Lumapit si Ryan sa akin at niyakap ako. Inilagay niya ang kanyang bibig sa aking tainga.

"Wala na si Daddy, Chanel."

Parang kulog ang naging bulong ni Ryan. Kumalas ito ng yakap at tiningnan ako, pumatak ang luha sa kanyang mata. Nanatili akong nakatingin sa kanya, pinoproseso ang sinabi nya.

Accidentally Fall In Love (Love Back Series 1)Where stories live. Discover now