Chapter 37

15 2 0
                                    

Chapter 37

Nagising ako kinaumagahan, wala na si Drake sa tabi ko. Mamaya na ang alis namin kaya baka nag aasikaso na din ito. Bumangon ako at dumiretsyo sa banyo.

Napasigaw ako sa gulat ng namataan ko si Drake sa loob at naliligo, tanging boxer lamang ang suot niya kaya agad akong nag iwas ng tingin.

"Good morning." bati niya at pinatay ang shower.

Kinuha niya ang tuwalya kung saan nasa gilid ko, muli akong nag iwas ng tingin. Para akong inaapoy sa init, ang aga-aga bakit naman hindi man lang sya nag lock ng pinto.

"Maliligo ka?" tanong niya.

Umiling ako hindi parin tumitingin sa kanya.

"Namumula ka." pamumuna nya sa nag aapoy ko ng mukha.

Inirapan ko ito, lalabas na sana ako ngunit nagulat ako ng mabilis niyang ipinulupot ang kanyang mga bisig sa aking tiyan, nasa likod ko sya at nakayakap sa akin.

Mas lalo kong naramdaman ang pamumula ng mukha ko, ang basa niyang dibdib ay dumidikit na sa aking damit.

"How's your sleep?" tanong niya, inilagay niya ang kanyang mukha sa aking leeg kaya bahagya akong nakiliti. "Hmm... it smells so good." hinalikan niya ako sa leeg pataas sa aking pisngi.

"Drake..." pinilit kong kumawala ngunit nanatili ang bisig niya sa aking tiyan.

Ilang minuto ata niya akong pinupog ng halik sa pisngi bago ako pinakawalan. Iniharap nya ako sa kanya at pinatakan ng halik ang aking labi. Mabilis ko syang tinulak sa gulat.

"What?" nakita ko ang gulat sa kanyang mata.

"H-hindi pa ako n-nakakapag toothbrush..." nahihiyang sabi ko.

Bakit naman kasi basta basta humahalik. Adik ba sya.

Ngumisi ito at nag ambang hahalikan na naman ako ngunit tinakpan ko na ang aking labi.

"C'mon baby... I just want a kiss."

Umiling ako. Nakakahiya! Bakit ba ang takaw takaw ng lalaki na 'to sa halik. Nakakainis! Ni hindi pa nga ako nakakapag hilamos.

Tumawa ito at lumayo.

"Fine. After you wash, come outside. Pupunta sina Kian para dito na mag umagahan."

Tumango ako, inalis ko na ang kamay ko sa bibig ko. Akala ko ay aalis na sya ngunit mabilis nya akong ninakawan ng halik bago kumindat at lumabas ng banyo.

Halos masabunutan ko ang sarili ko sa hiya. Nakakainis sya! Papatayin nya ba ako sa kahihiyan?

Tumingin ako sa salamin, halos namumula na nga ang mukha ko. Nakakainis ang lalaking iyon!

Pagkatapos kong mag alboruto ay naghilamos na nga ako ng mukha ko, nag toothbrush na din ako at lumabas na ng banyo. Nagtuyo ako ng mukha, habang busy ako sa pag pupunas ay napansin kong umilaw ang cellphone ko sa ibabaw ng maliit na cabinet. Tinigil ko ang pagtutuyo ng mukha ko at kinuha iyon.

Unknown Number:
Long time no text, Chanel.

Natigilan ako. Napansin kong sya na naman iyong mystery texter ko. Inunblock ko sya kasi may hindi mapalagay ang isip ko. Pakiramdam ko marami syang alam sa sarili ko higit sa inaakala ko.

Unknown Number:
Seems you look happy in your life. Kapag nalaman mo kung sino ka talaga makakatawa ka pa kaya?

Fuck?! Who the hell is this? Ano ba talaga ang pinag sasabi niya? Bakit nya sinasabi ito?

Hindi ko na napigilan pang mag reply. Nangangati na ang mga kamay ko na tanungin sya, kung sino sya, anong alam nya at bakit palihim nya akong nirereplyan ng ganito. Halos ilang araw akong hindi nakatulog kakaisip sa mga chat nya sa akin. Kung ano ang ibig niyang sabihin.

Accidentally Fall In Love (Love Back Series 1)Where stories live. Discover now