Chapter 24

20 3 0
                                    

Chapter 24

"Chanel!" Masaya akong sinalubong nila Ayesha ng makita ko sila sa hallway.

"Oh? Anong meron?" Taka kong tanong, nakita ko din si Leila na kasama nila Ayesha.

Hindi na naging bago sa amin si Leila simula noong nalaman namin na girlfriend sya ni Lienzo at kung noon ay malaki ang naging galit ni Ayesha kay Leila dahil nalaman nya noong una palang na may namamagitan kay Leila at Lienzo. Ngayon ay tila sila na ang magkaibigang dalawa.

"Nalalapit na ang intrams, naisip namin ni Zarene mag volunteer tayo sa mga players taga bigay ng tubig." Sabi ni Ayesha na hinila pa ako.

"Okay naman sa akin. Eh paano si Leila?" Sabi ko na nilingon si Leila.

Ngumiti ito. "You don't have to worry about me, I am a cheerleader." Aniya.

Tumango ako at ngumiti kina Ayesha.

"Sige mag vo-volunteer tayo." Sabi ko.

Nag punta na nga kami sa office ng couch ng basketball team. Nag tanong na agad kami para sa boluntaryong mag bibigay ng tubig sa mga player, pinayagan nga kami kaya nilista na namin ang mga pangalan namin.

"Sabi ni Leila sa amin, pag nag voluntere ka para sa mga player ay maaari tayong sagutan ng Universities sa gaganaping outing ng mga player. Kung sakali lang na mananalo ang Dubi University pero kung hindi edi walang outing, walang libre." ngumisi si Ayesha. "Kaya ang goal, galingan nila Drake sa laro." tumingin ito sa akin at ngumiti ng malapad.

"So libre tayong makakasama sa outing ng mga Player dahil nag voluntere tayo? Pero naka ayon pa 'yon kung mananalo ang university natin?" takang tanong ko.

Nilingon ako ni Zarene at pinanliitan nya ako ng mata.

"Kulang na lang irecord namin sa'yo, Chanel para hindi mo na ulitin. Oo nga libre! Kaya nga sana manalo ang university natin." aniya na bahagyang natigilan. "Sabagay, wala pa namang record ng talo ang school natin, pwera na lang kung lalagyan nila ngayong year." nagkibit balikat ito at agad akong siniko.

May tinuro sya sa likod ko, nilingon naman namin iyon nina Ayesha, nakita nga namin sina Drake na papalapit sa pwesto namin.

"Haba ng hair, Chanel." untag ni Ayesha na bahagya pa akong tinulak para tuluyang mapalapit kay Drake.

Nilingon ko ito at pasimpleng minalditaha. Bakit naman kasi nanunulak.

Inirapan lamang ako nito at muling tumingin kina Drake.

"Susunduin mo na ba si Chanel?" tanong ni Ayesha na nilingon pa ako.

Bumuntong hininga ako at bahagyang umiling.

"Pwede ba?" tanong ni Drake.

"Sure!" hinila ako ni Ayesha palapit kay Drake.

Napatingin ako kay Drake dahil sa sobrang lapit naming dalawa, narinig ko na agad ang hagikhikan nila Ayesha, maging sina Kian e nangangatyaw na, kaya mabilis akong umatras papalayo sa kanya. Nag iwas ako ng tingin.

"May laro ba kayo mamaya Drake?" tanong ni Zarene.

"Yup, are you gonna watch?" tanong din ni Drake pabalik.

"Hindi kami!" Pigil ni Ayesha at tinuro ako. "Ayan si Chanel manonood."

"Huh?" Takang tanong ko na tinuro pa ang sarili ko. "Pero may klase kami–"

"Busy ang mga teacher. Huwag kanang umasa." Awat ni Ayesha.

Nilingon ko si Drake, nag aantay ito sa magiging sagot ko. Wala na akong nagawa kundi ang pumayag na lamang.

Accidentally Fall In Love (Love Back Series 1)Where stories live. Discover now