Chapter 22

24 3 0
                                    

Chapter 22

Maging ang takot ay napawi sa aking puso, lalo na ng makita ko si Drake na pinagmamasdan lamang ako. Hindi ko lubusang maisip ang lalaking ito, ang syang nagbago ng lahat ng mithiin ko sa buhay. Ang sinabi ko noon, hindi ko sya magugustuhan kahit ano pang mangyari. Na hinding hindi ako matutulad sa mga babaeng umaaligid sa kanya.

Pero itong nararamdaman ko, ang syang nag sasabi na hindi kailanman matuturuan ang puso. Hindi kailanman napipilit ang puso.

I tried to avoid it, but there were many reasons to continue. I tried to avoid it, but it was like a magnet that brought me back to him. I didn't force my heart to like him, because it was voluntary.

Hindi ko na syang kayang iwasan pa. Gusto ko sya, at hindi pwedeng nagtatago lamang ako sa sarili ko. Hindi ko na kayang mag tago pa, kahit anong takbo ko papalayo sa kanya, hinihila lamang ako ng puso ko papalapit sa kanya.

"Thank you, for bringing me here Drake." sabi ko habang nakangiting pinag mamasdan sya. "Ang ganda ng tanawin, ngayon pa lamang ako nakapunta dito sa tagaytay."

"You like the view?" he asked.

"Oo naman, ikaw ba? Hindi mo ba gusto ang nakikita mo?"

Tumikhim ito at humalukipkip.

"I like you. Really do."

Sandali akong natahimik sa sinabi nya.

"Yung view ang tinutukoy ko..." napainom ako ng tubig pagkasabi ko noon.

"You're the view."

Halos masamid ako sa sinabi nya. Hindi ko na lamang sya pinansin at nanatili na lang ang mga mata ko sa mga taong mga dumadating. Karamihan ay puro mga pamilya ang nandito, mga nag pipicture.

"Gusto mo bang mag picture tayo?" walang kabuluhan kong tanong kay Drake.

Napakagat ako sa ibabang labi ko ng maisip na inaaya ko sya dahil lang sa gusto ko.

"Huwag na pala." sabi ko at humalukipkip na lang din sa kinauupuan ko.

Nagulat ako ng tumayo ito at tumabi sa akin. Nilabas nya ang kanyang cellphone ay inilahad sa akin.

"Let us take a picture." aniya.

Tiningnan ko ang cellphone niyang nakalahad sa akin, kinuha ko iyon at hinanap na ang apps ng camera nya. Hindi ko alam kung itutuloy ko ba, bakit ba kasi ang bilis naman ata nyang kausap?

Itinapat ko ang camera sa aming dalawa. Nakangiti na agad ito doon, ngumiti na lamang ako at pinindot na iyong click boton para makuhanan na kaming dalawa ng litrato.

"Ang cute nyo naman."

Naibaba ko ang camera sa aming dalawa ni Drake ng marinig namin ang nag salita sa gilid namin. Nakita namin ang isang matandang babae may kasama itong matandang lalaki, na kung susumahin mo ay mag asawa ang dalawa.

"Gusto nyo bang ako na ang kumuha ng litrato sa inyo?" tanong nito sa amin.

"Yes, please." kinuha ni Drake ang cellphone nya sa akin at ibinigay iyon sa matandang babae.

Napanguso ako para sana pigilan pa sya pero huli na. Naramdaman ko ang kamay niyang pumulupot sa aking bewang, ngumiti siya sa camera kaya ganoon na lamang ang ginawa ko.

Ilang click pa ang iginawad nila sa camera ni Drake at ibinigay na iyon sa amin.

"Napaka ganda nyong pag masdan dalawa." nakangiting sabi noong matandang babae sa amin. "Matagal na ba kayong nagpupunta dito?"

"Ngayon pa lang po." sabi ko.

"Kung ganon ay bago pa lamang kayong magka relasyon?"

"Ho?" nagulat ako at mabilis na umiling. "Nako hindi po kami, I mean... wala pong namamagitan sa amin." napatingin ako kay Drake, mabilis akong kumalas sa pagkakahawak nya sa bewang ko.

Accidentally Fall In Love (Love Back Series 1)Where stories live. Discover now