Chapter 2

93 3 0
                                    

Chapter 2

"Sigurado ka bang okay kana Chanel?" takang tanong ni Zarene sa akin.

Kasalukuyan kaming naglalakad pauwi, balak nilang dumaan sa amin upang makikain. Bago kami umuwi ay sinamahan nila ako sa clinic upang ipa check iyong tagiliran ko, nakitang nang nurse na may pasa doon kaya naman inagapan nya ng dampian ng ice.

Nag-aalala sila sa akin kaya nag presinta na silang samahan ako pag uwi, Si Ayesha naman ay malapit lang sa amin kaya naman walang problema.

Habang daan ay hindi din nila alam kung anong gagawin dahil baka raw makita ni Mama ang pasa ko sa tagiliran pero sabi ko hayaan na lang nila at hindi naman iyon makikita ni Mama.

"Kung hindi ko siguro pinatulan pa ang isip batang Vrixie na 'yon ay wala sanang ganitong nangyari. Pasensya na, kasalanan ko kung bakit nalagay kayo sa alanganin." paghinging tawad ni Ayesha kaya bahagya akong umiling.

"Okay lang 'yon, tyaka ako talaga ang problema ni Vrixie. Nagkataon lang na sa'yo itinapon 'yung tubig. Siguro ay dapat sa akin iyon ngunit maagap kang tumayo kaya hindi mo sinasadyang sa'yo matapon iyong tubig imbes na sa akin." sabi ko at nag patuloy na sa paglalakad.

"Ikaw kasi eh, pati tuloy kami ni Chan na purnado. Kinakabahan ako para bukas, pakiramdam ko may mangyayari na naman." Bumuntong hininga pa si Zarene.

"Ito na nga oh kasalanan ko na nga diba? Ikaw talaga kahit kailan Zarene napaka kontrabida mo. Okay na kay Chanel pero ikaw hindi pa rin matanggap!" singhal ni Ayesha.

Tumigil ako sa paglalakad kaya napalingon sila sa akin. "Walang may kasalanan dito okay? Kung meron mang may kasalanan at dapat sisihin sa mga nangyari rito, si Vrixie 'yon." sabi ko.

"Hindi Chanel, kasalanan ko 'yon. Dapat kasi hindi ko na pinatulan eh." ani Ayesha na nilapitan ako. "Sorry Chan..."

"Aye pwede ba? Wala kang kasalanan rito okay? Tara na nga baka nag aantay na si Mama sa bahay." hinila ko sila sa mag kabilang braso at nakangiti akong nag lakad akay-akay sila.

Mabilis narin naman kaming nakarating sa bahay at amoy ko na agad ang luto ni mama pamula rito sa labas.

"Mama... Nandito na–" pag bukas palang ng pinto ay agad na akong natigilan ng makita ko sina Drake sa may sala.

Wala si Lienzo kaya silang tatlo lang ang nakita ko.

"May bisita pala kayo Chanel eh." siko sa akin ni Zarene.

Napangiwi ako sa sakit dahil 'yung may pasa 'yung nasiko nya, sasamaan ko sana ito ng tingin ngunit nagawi ang tingin ko kina Drake na nasa at naglalaro.

"Mamaaaaaaa!!" sigaw ko na agad na ikinabulahaw nina Drake.

Hindi ko na sila pinansin at inis na nag punta sa kusina at hinanap si Mama. "Ma!"

"Oh Chan... Ano't pag kalakas naman ng boses mo?" naiiritang tanong sa akin ni Mama.

"Ano 'yon? Bakit andoon sina Marcus? Diba sabi ko isasama ko rito sina Ayesha? Bakit hindi mo man lang ako nasabihan na may mga BWISITA pala tayo rito?" talagang nilakasan ko ang boses ko upang marinig nila at maisipang mag si alisan.

Talaga naman eh mga bwisita sila.

"Chanel ano ba? Ang boses mo ang lakas. Tyaka ano ba yang mga sinasabi mo? Hindi mo ba na receive ang text ko sa'yo na nandito ang mga kaibigan ng pinsan mo?"

"Mama naman, may bahay na kanya si Marcus. At mas malaki pa 'yun dito sa bahay natin pero bakit dito nya pa naisipang pumunta? Nantitrip ba sya?" angal ko pa kay Mama.

"Chanel... Ano ka ba? Ganyan ka ba makitungo sa mga bisita mo ha? Pinsan mo 'yon."

"May pinsan ba akong kagaya nya? Tyaka Ma! Hindi sila bisita, BWISITA sila–Aray Mama!"

Accidentally Fall In Love (Love Back Series 1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz