Chapter 2

1M 43.8K 29.8K
                                    

"Nay, sumali ako sa bread and pastry club. Baka maging medyo busy ako. Required kasi," sumbong ko agad kay Nanay.

After a week, napagdesisyonan ko na ring sumali dahil halos lahat ng kaklase ko ay may club na. Kahit si Mitzie ay maayos na nakapasok sa Music Club. Hindi ko alam kung nag-play ba siya ng instrument o kumanta. Hindi pa naman kasi kami sobrang close.

In fact, joining the club piqued my interest. Baking was my ultimate passion. Hindi ko gustong alamin kung kailan nagsimula ang pagkahilig ko rito pero sigurado akong hindi ko aalisin ito sa sistema ko.

"Ayos lang, anak. Basta ay huwag ka masyadong magpapagabi lalo kung hindi mo kasama si Duke."

Nilagyan ko ng kamatis at okra ang pinggan niya bago nagsalita. "Papayag ka ba kung magpapart-timer ako, Nay?"

Sinamaan niya lang ako ng tingin. "Iisa ka na ngang anak ko, hahayaan ko pa? Kaya kitang buhayin, Sol."

"Ang sweet mo naman. Baka naman may pera ka d'yan?" pambobola ko.

Natatawang hinampas niya ang balikat ko. "Marami akong labada ngayon. Kung wala kang gagawin ay tulungan mo ako."

Sumaludo ako sa kanya. "Yes, Nay! At your service!"

Hinugasan ko ang pinagkainan namin. Sabado ngayon at wala naman kaming pasok kapag weekends kaya nakakatulong ako kay Nanay sa trabaho niya. Kapag ganitong araw, marami kaming kinukuhang labada dahil dalawa naman kaming nagtutulong.

Nang maghiwalay sila ng Tatay kong Amerikano noong anim na taong gulang pa lang ako, walang ibang ginawa si Nanay kung hindi kumuha ng mga labahin. Hindi siya nakatapos ng pag-aaral kaya wala siyang ibang mapasukan na trabaho. Bukod pa roon, hindi niya ako pwedeng iwan dahil bata pa ako.

I saw how she suffered. Kahit kasi mag-isa lang akong anak niya ay hikahos kami sa buhay lalo pa noong sinanla ng magaling kong ama ang bahay na tinitirhan namin bago ito umalis. Isang dekada ang lumipas bago tuluyang mabawi ito ni Nanay.

Kaya kahit maldita ako, pagdating kay Nanay, napakalambot ko. As much as possible, ayokong makitang pagod siya at nahihirapan. Kung pwede lang na patigilin ko na lang siya sa pagtatrabaho para makapaghinga ay gagawin ko.

My documents were transferred under her name kaya Clemente ang ginagamit kong apelyido at hindi Schulze. Isa pa ay ayoko rin namang gamitin iyon dahil masama ang loob ko sa ama kong walang naidulot na maganda sa buhay naming mag-ina.

"Ano ang gusto mong regalo sa birthday mo?" tanong ko habang nagkukusot ng medyas.

Ito ang bonding naming dalawa. Simpleng kwentuhan lang habang naglalaba. Sabi ko nga ay ibibili ko siya ng washing machine dahil may scholarship naman akong natatanggap. Tumanggi siya dahil gastos pa raw iyon sa kuryente.

Umarte itong nag-iisip. "Gusto kong ligawan ka ni Duke."

Sinabuiyan ko ito ng kaunting sabon kaya napahagikgik siya. "Nay! Kaibigan ko lang iyon!"

"Sus, ako pa talaga ang lolokohin mo, Solene. Kilalang kilala na kita."

Nginisian ko siya at pinagpatuloy ang pagkukusot. "Mag-date na lang tayo, ha? Pagkatapos naman iyon ng midterms namin. For sure, dumating na ang scholarship ko. Ibibili kita ng napakaraming damit."

"He! 'Wag nang damit! Hindi ko naman magagamit ang mga iyon."

"Ano na lang?"

She smiled. "Sabon."

"Jusko, Nay! Sige, ibibili kita ng maraming sabon tapos kakain tayo sa Shakey's kasi favorite mo ang pizza ro'n. Okay ba?"

Nakita ko ang paglaki ng ngiti niya. For sure, maya-maya lang ay iiyak na naman ito dahil na-to-touch. May pagka-emosyonal kasi itong si Nanay. Kaunting paglalambing lang ay naiiyak na.

Chasing the Sun (College Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon