Chapter 20

1M 39.3K 55K
                                    

Life went on. Somehow, hindi na gano'ng kabigat ang araw-araw dahil palagi kong kasama si Duke. Parang kahit sandali lang ay napupuno ang kulang sa akin. He assured me that he was not going to leave me, marahil ay natakot talaga sa nangyari.

"Chef Rolenz, tikman mo nga," I said while handing him the cinnamon rolls I made.

Tumikim siya at bahagyang tumango. "Masarap na pero hindi nag-su-sustain iyong lasa."

Ngumuso ako. "Ano kayang kulang?"

Muli kong sinubukan. Nagdagdag ako ng kaunting asukal at gatas dahil pakiramdam ko ay kulang sa tamis.

Habang gumagawa ako ay kinakausap ako ni Chef.

"Ang in demand ng chocolate chip cookie mo. Hindi mo ba talaga ituturo sa akin kung paano gawin 'yon?"

Natawa ako sa sinabi niya. Sa halos tatlong linggo kong pagtatrabaho rito ay mabenta talaga ang cookies na ginawa ko. It was an old recipe pero nang matikman at maaprubahan ni Ma'am Candy ay ibinenta namin iyon.

"Paturo muna ng red velvet cake, Chef."

Tumawa na rin siya sa akin. Lumapit siya sa oven at inilagay roon ang mixture. Matapos iyon ay inasikaso niya naman ang icing.

Dahil summer, may isa pang chef na ang ginagawa naman ay smoothies, frappes, at ibang beverages na patok ngayon. Karamihan sa customers namin ay mga kabataan at couples. Bibihirang pumunta ang isang buong pamilya dahil wala naman kaming rice meals.

"Susunduin ka ba ng boyfriend mo mamaya?"

Napangiti ako. "Opo, chef."

Naiiling siyang ngumiti. "Basted talaga si Harvin."

"Hindi naman kami talo no'n, Chef! Magkaibigan lang kami ni Harv."

He just shrugged and continued working. Gano'n din ang ginawa ko. Sinubukan ko hanggang sa maperfect ko ang cinnamon rolls.

Tama nga si Duke, napakagandang platform nito para matuto ako sa pag-ba-bake . Isa pa, nakakaipon ako. Kaunti na lang at makakaipon din ako ng pamasahe patulak sa Maynila.

Overall, it was a normal day. Inihatid ako ni Duke at ngayon ay nag-hintay na akong sunduin niya. Hindi ko maintindihan sina Ate Sab na inaasar pa rin ako kay Harvin gayong ang alam ko ay may nagugustuhan na ito. Isa pa, alam nilang may boyfriend ako kaya minsan ay hindi na lang ako umiimik.

Marami kaming binake ni Chef ngayong araw para mild orders na lang bukas. Aagahan ko na lang ang punta rito para masimulan ang chocolate chip cookies.

Hinintay ko ang out ko bago ako lumabas ng shop.

"Inom daw sabi ni Troy," bungad sa akin ni Duke nang itigil niya ang motor sa harap ko.

Umiling ako. "Wala akong pera." At nagtitipid ako!

Tumingin siya sa akin na para akong nahihibang. "Kasama mo, ako, Sol. Anong sinasabi mo?"

I pouted. "Bakit daw ba?"

"Announcement mamaya ng result ng battery exam. Sabay-sabay raw nating tingnan."

Huminga ako nang malalim para alisin ang kaba sa puso ko. The result would define my future.

Sumakay ako sa likod ng motor niya at dahil sa rooftop naman nila kami mag-iinom, umuwi muna ako sa bahay at nag-ayos. Nagbihis ako ng mas komportableng damit.

"Sol, beb, namiss kita!" sigaw agad ni Troy nang makita ako. Yumakap pa siya sa akin at pabirong ginulo ang buhok ko.

Tumawa ako sa kanya at bahagya siyang itinulak nang pabiro. "Hindi kita miss."

Chasing the Sun (College Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon