Chapter 10

882K 36.8K 32.6K
                                    

Ibinaon ko sa limot ang narinig kay Troy kahit ramdam na ramdam ko ang panunuot ng sakit sa nadudurog kong puso.

Duke Pangit:
Nakarating na kami.

Napangiti ako sa pag-uupdate niya ngunit hindi iyon sapat para mawala ang agam-agam sa akin.

Natatakot ako sa pwedeng mangyari. Paano kung magkaroon sila ng relasyon? Paano ako babangon? Paano ako magsisimula ulit? Mahihirapan akong lumayo. Siguro'y kahit isang hakbang ay hindi ako makakagalaw. It feared me to death. Ayokong mangyari iyon dahil alam kong masasaktan ako.

"Nay, nandito na ako." Malumanay na saad ko pagpasok sa bahay.

"Nasa likod ako, Sol!"

Napabuntong-hininga ako. It was a typical response from her. Naglalaba na naman siya gayong alas sais na nang gabi. It was like a never-ending cycle.

Pumunta ako sa kwarto ko at nagbihis nang pambahay para tulungan si Nanay maglaba. I was emotionally exhausted, but I couldn't sleep because I knew my mother was still working.

"May problema ka ba, Solene?" tanong niya habang nagkukusot kami ng mga damit.

"Pagod lang sa school, Nay."

"Naku, mabuti pa ay magpahinga ka na. Kaya ko naman nang tapusin 'to." Matapos sabihin iyon ay inagaw niya sa akin ang medyas na nilalabhan ko.

I chuckled. "Para ka kamong birhen, Yella."

Initsahan ako ng sabon ni Nanay kaya malakas ang naging pagtawa ko lalo pa nang makita ang nakanguso niyang mukha. Ang ganda ganda talaga ng nanay ko, aba! Ang sarap asarin.

"Nag-chat ang Tatay mo sa akin," biglaang saad niya. Tumayo siya sandali para kumuha ng clorox.

"Ano raw ang kailangan?" naiinis na tanong ko. He didn't have the right to contact us. Matapos ang ginawa niya sa pamiliyang ito, nawalan na siya ng anak at asawa.

"Tinatanong ka." She let out a chuckle. "Wala, hayaan mo na 'yon. May kanya-kanya na tayong buhay."

Pinaliitan ko siya ng mata. "Huwag kong mababalitaang nakikipagbalikan ka d'yan ha?"

"Hindi ako kagaya mo, Solene. Pag sinabi kong tapos na, ayaw ko na talaga. Isa pa..." She sighed. "Hindi ko kayang tanggapin ang ginawa niya sa 'yo."

Bumuntong hininga rin ako. My father was a drug addict. Gabi gabi ay binubugbog niya ako kapag uuwi siya galing sa trabaho at sa mga kabarkada niyang adik din. Wala si Nanay noon kapag gabi dahil nagtatrabaho siya sa pabrika.

It was torture. Walang gabi na hindi ako umiyak dahil sa mga sugat na natamo ko. Ang hirap humiga dahil sa sakit ng katawan ko. Kahit ang paliligo ay mahapdi sa balat.

I developed a trauma. Kaunting hawak lang sa akin ng tao ay napapaigtad ako. Kaunting galaw lang ay para akong nawawala sa sarili. I experienced not only verbal but also physical abuse.

"Okay na ako, Nay. Kita mo nga at kaya na kitang buhayin," bawi ko na lang dahil nakita ko ang pagbabago ng itsura niya.

It still haunts her. Sa loob ng limang taon ay nagbulag-bulagan siya sa pananakit sa akin ni Tatay. Malaking lalaki ang ama ko kaya grabe ang takot ko sa kanya noon. Tutunog pa lang ang pinto namin pagsapit ng alas syete ay tatakbo na ako papunta sa kwarto at magkukulong.

The moon was never the perfect company for me. Saksi ito sa dinanas ko noon. My father instilled in me a disdain for the night. Dahil sa kanya, kahit gaano kaganda ang nangyayari sa gabi, hindi ko na magustuhan ang buwan.

Although, in retrospect, it made me stronger. Words, people, and violence were all enough to break me, but they weren't enough to end me.

Isa pa, matagal nang panahon ang nakalipas kaya hindi ko na iyon masyadong naiisip. Nagkaroon naman ako ng ilang kaibigan at kasama kaya umayos ang lagay ko.

Chasing the Sun (College Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon