Chapter 13

816K 35.8K 38.8K
                                    

Hindi pa man ako tuluyang nakakarating sa upuan ko ay narinig ko na ang sigaw ni Duke.

"Mitzie?! What happened to you?!"

Napatingin ako sa pintuan ng room namin at nakitang mapula ang pisngi ng basang-basang si Mitzie. She looked like she had encountered an accident. But, I knew better. She encountered an accident named Roswell.

And I let her.

"P-paabot ng bag ko, Duke..." nangangatal na saad niya sa lalaki.

Napapikit ako sa pagsibol ng pagsisisi sa puso ko. She was trembling in fear and cold. Dahil sa selos, hindi ako makapaniwalang nagawa kong talikuran ang pagiging magkaibigan namin.

Walang nakakapansin sa akin. Hindi ako nakagalaw para lapitan siya dahil sa guilt na naramdaman ko. Nakatayo lang ako roon, nakatanaw sa kanya.

Duke stood up. Kita ko kung paano niya hinubad ang suot niyang hoodie at kung paano niya ito inilapat sa likod ng babae. Nabasa ko ang aligaga sa mga kulay tsokolate niyang mata, nag-iigting ang panga at galit ang mukha. Dinala niya ang bag nito sa kabilang kamay niya at walang salitang hinigit mula roon si Mitzie.

That was another punch for me.

Mabigat. Masakit.

Natural na reaksyon ba iyon ng kaibigan?

Inalala ko ang mga panahong ako ang nabubully pero wala akong maalalang hinayaan ko ang sarili kong tratuhin ako nang gano'n. When I was slapped, Duke got mad at Roswell and had her suspended. Would he do the same for Mitzie? Was this the common denominator of friendship?

Napako ang tingin ko sa cake na dala ko. iyong pinaghirapan ko, iyong pinuri ni Ma'am Candy, iyong nagustuhan ng mga kasama ko...

Gusto kong maiyak nang makitang ang slice na ibinigay ko kay Duke ay nasa sahig na... nakatapon. Siguro'y nadali niya dahil sa pagmamadali kanina para matulungan si Mitzie. It shouldn't be my concern right now, but I felt discarded. I put my effort and heart into it, and now, the floor is tasting every bit of it.

"Huy, iyong kalat mo, Sol! Baka maabutan ni Sir!"

Right, kalat.

I took all my courage and swallowed the pain I was feeling. This is nothing. Duke was just worried. He had no intention of wasting my efforts.

Nilinis ko ang area kung saan nandoon ang "kalat". Winalis, pinunasan, tinuyo... hanggang sa mawala iyong bakas ng pinaghirapan kong kalat.

Umupo ako sa pwesto ko matapos ang nangyari. Dumating ang prof namin ngunit hindi na nakabalik ang dalawa. Troy happened to be on the campus director's office, hindi ko alam kung bakit. Hanggang sa natapos ang klase namin ay hindi na bumalik sina Duke at Mitzie.

Nang dismissal, nagtext sa akin ang lalaki.

Duke Pangit:

Hindi ako sasabay pauwi. Ingat ka.

I smiled bitterly. At least, sinabihan niya akong mag-ingat.

Lumabas ako ng campus at nag-hintay ng tricycle para makauwi. Maraming estudyante ang naroon kaya mahirap makasakay. Kung magji-jeep ako, kailangan ko pang maglakad papasok sa barangay namin. Ang dami pa namang manyak doon kapag pagabi.

Nag-hintay ako nang mahigit dalawampung minuto ngunit punuan talaga ang tricycle. Ang hirap pa dahil mag-isa lang ako kaya walang nagsasakay sa akin.

At dahil may sumpa ata ako ngayong araw, bumuhos pa ang ulan. Malalaki ang patak no'n kaya tinakpan ko ang ulo ko at naghanap ng masisilungan na shed. Medyo masikip na roon pero nakisiksik ako dahil ayaw ko ring mabasa. Bitbit ko ang cake na parte ni Nanay. Mabuti nga ay hindi natapon ni Duke ang buong cake.

Chasing the Sun (College Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon