Chapter 29

905K 35.7K 40.7K
                                    

"Bakit mo naman ako gustong yayain, Duke?"

He looked away. "Para i-congratulate ka sa grand opening ng shop mo."

"Paano mo pala nalaman?"

"Uh... kanina ko lang nalaman kay Bethany."

I nodded before pursing my lips. It sounded... okay. Isa pa, maganda ang gabi.

"Okay."

Kahit siya ang nagyaya ay nabasa ko pa rin ang gulat sa mata niya sa pagpayag ko. Kita ko kung paanong kagatin niya ang pang-ibabang labi para pigilan ang pagngiti.

Iniabot niya sa akin ang ticket at bahagyang kumunot ang noo ko nang makitang dalawang araw na ang nakalipas nang bilhin niya ito. Bukas ang expiration ng ticket.

Akala ko ba kanina niya lang nalaman?

Mukhang nakita niya ang pagtataka sa mukha ko kaya binawi niya ang ticket sa kamay ko. Matapos iyon ay matuling niyang pinatakbo ang sasakyan.

Pumasok kami sa mall at napansin ko agad na kakaunti lang ang sasakyan na nakaparada roon. Ibinigay ni Duke ang ticket sa isang lalaki kaya nakapag-proceed kami agad.

"May chips d'yan sa likod," he said.

Pinanliitan ko siya ng mata. Did he plan this?

"Ano... natira kanina, nag-merienda kasi kami sa site."

I sighed. "Nag-uuwi ka pala ng natirang snacks?"

He gulped but he ignored my statement. Humanga na lang ako nang malamang convertible pala ang sasakyan niya kaya bumukhas ang bubong nito. Agad na sumalubong sa mukha ko ang malamig na hangin.

I opened my arms and felt the cold breeze. Ipinikit ko pa ang mga mata ko. This was serene!

Nagmulat lang ako ng mata nang makitang nagsisimula na ang palabas. Umayos ako ng upo at kinuha ang isang beer sa plastic. Napatingin ako kay Duke para sana bigyan siya ng isang bote ngunit nakita kong nasa akin ang mga mata niya.

Nag-iwas din siya ng tingin sa akin. Hindi ko na rin naman pinansin at itinutok ko na lang ang mata sa pinapanood. Parehas kaming may hawak na beer at pakiramdam ko ay hindi sapat ang binili ko.

I suddenly recalled something he said during our dinner.

"Duke."

His attentive eyes were directed at me. "Hmm?"

"May pamilya na si Kuya Sean?"

Inilagay ko ang bote sa plastic at muling kumuha ng isa. Tumingin ako sa kanya ulit. Sa tagal ng 'di ko pakikibalita, ni hindi nahagip ng isipan ko na pwede nga palang magkaroon ng pamilya si Kuya Sean.

He nodded. "Ikinasal sila ni Mitzie, apat na taon na ang nakakalipas."

It was now my turn to be shocked. "What?!"

Nanatili ang tingin niya sa akin. Walang reaksyon ang mukha pero nanonood naman sa ekspresyon ko! Ang hawak kong bote ay muntik ko pang mabitawan!

"I mean, paano ka?"

His forehead creased. Ni hindi na kami nanonood!

"Anong paano ako?"

Pinandilatan ko siya ng mata. "I thought you were together? Hindi ba't may anak kayo?"

Mas lalong lumalim ang kunot sa noo niya. "Hindi ko anak 'yon, Solene. Gregory is almost 7 now at noong mga panahong ipinagbubuntis ni Mitzie 'yon ay ikaw ang girlfriend ko."

I slowly nodded. "Okay..."

Sa isip ko ay gusto ko nang sapakin ang sarili ko. Alam niya na ngayon na nakibalita ako!

Chasing the Sun (College Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon