Chapter 40

832K 37.6K 22.3K
                                    

Sumakay ulit ako sa elevator na nakatulala lang. My heart felt heavy, but I didn't cry. Mabigat lang itong tumitibok sa loob ko dahil sa dismaya, selos, at galit.

They probably kissed and had sex, right? Alam kong hindi naman dapat ito pagselosan dahil wala naman kaming relasyon noong may nangyari sa kanila. Ang sabi ni Bethany ay nililigawan ako ni Duke noong una silang naghalikan at... pakiramdam ko ay naloko ako.

Duke sounded so sincere. No'ng sinabi niyang magkaibigan lang sila at walang malisya ang mga halik niya kay Bethany ay naniwala ako. But they shared kisses... and those were not platonic.

Nang makarating ako sa kotse ay tulala lang akong naupo sa driver's seat. I closed my eyes and leaned on my seat.

I wished I could live my life again... in a different way. Kung may restart button lang ang buhay, ginawa ko na. Sana ay hinayaan ko na lang na bugbugin ako ng tatay ko noon. Sana ay hindi na lang din ako lumabas noong unang araw na nakilala ko si Duke. Sana ay hindi na lang engineering ang pinili kong kurso.

I wondered if I would be happy if my choices were right. Paano kung noong sinabi ni Nanay na tumigil na ako sa pagpunta roon, tumigil na talaga ako? Masakit na hindi siya makita pero mas masakit isiping wala na talaga siya.

I bit my lower lip harshly and shoved a tear that fell from my eye.

Binuksan ko ang engine ng sasakyan, umuwi sa condo, nag-impake at tumulak patungo sa Isabela. I notified Jelay and Roswell that I would be gone for three days. Nagtanong ang mga ito at sinabi kong may kailangan akong asikasuhin.

Gabi na at madilim ang daan pero kaya ko namang magmaneho. Isa pa, malumanay akong magpatakbo. Ang estimated time ng dating ko roon ay umaga na dahil halos siyam na oras ang byahe. This would tire me out, but I was determined to do this.

Siguro, pagbalik ko ay saka ko na lang kakausapin si Duke. Hindi ko alam kung aamin siya sa akin sa relasyon nila ni Bethany pero kailangan kong tanggihan ulit ang lalaki.

"Ang kulit mo kasi, Solene, sabing hindi pwede..." natatawang saad ko sa sarili kahit na mabigat ang loob ko.

It was six in the morning when I finally arrived. Masakit ang ulo ko sa haba ng biniyahe maging ang paa ko mula sa pagmamaneho.

Bumaba ako ng kotse na pupungay-pungay pa ang mata nang may tumawag sa akin.

"Sol? Ikaw ba iyan?"

Napaangat ako ng tingin at napangiti nang malaki nang makita si Ate Ivy.

"Ate Ivy! Kumusta?"

Parang nawala ang pagod ko. Matalik na kaibigan siyang ni Nanay noon! Hinigit niya ang kamay ko at hindi makapaniwalang tumingin sa akin.

"Grabe! Halos walong taon na!" gulat na gulat na saad niya. "Kumusta ka?! Si Yella?!"

I smiled. "Ayos lang po ako, Ate Ivy. Si Nanay, anim na taon na hong wala."

Lumungkot ang mukha niya ngunit dahan-dahang tumango. "Sabagay at matanda na rin naman si Yella..." malungkot na pahayag niya.

Humarap siya sa akin at ngumiti. "Pupunta ako mamaya sa bahay mo! Magpahinga ka muna!"

"Sige po, Ate."

"Alam kong babalik pa kayo rito! Ano pa't ipinaayos mo ang bahay niyo, hindi ba?"

Kumunot ang noo ko at napabaling sa bahay namin. To my horror, ang gate namin ay bakal na! Ang kahoy naming pader ay semento na at may pintura pa!

"A-anong nangyari rito, Ate?!" nagulat na tanong ko. This wasn't our house!

"Hindi ba't no'ng nasira ng bagyo ang bahay niyo, ipinagawa mo ulit? Ako minsan ang pumapasok d'yan at naglilinis... wala namang nagbago sa gamit."

Chasing the Sun (College Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon