Chapter 4

883K 39.7K 25.1K
                                    

Nag-inat ako dahil katatapos lang ng exam namin sa isang major subject. Pinag-puyatan ko ang pagre-review dahil ayokong mag-remedial. Inis na inis na nga sa akin si Duke dahil ilang gabi ko rin siyang kinulit na pumunta sa bahay namin para turuan ako.

"Ano ang sagot mo sa 2?" si Troy nang lumabas siya ng room. Gaya ko ay tapos na rin siya pero iilan pa lang kaming nasa labas.

Nakakakaba nga dahil wala pa sina Mitzie at Duke, parang natatagalan sila sa pagsasagot samantalang ako ay mabilisan lang. Parang may mali akong nagawa.

"0.538 ba? Hindi ko maalala pero parang ganiyan."

Napakamot sa batok si Troy. "Ah ah, nalito ako. Whole number ata ang sagot ko ro'n. Nakakalito kasi iyong instruction."

Napangisi ako sa kanya. "Hindi pwede whole number, shunga ka."

Mas lalo itong napanguso at sumandal na lang sa pader habang parehas naming hinihintay sina Duke at Mitzie para magtanong. Gano'n din ang ilan pang kaklase namin na nakatapos na. Lahat sila ay nangangati nang malaman ang tamang sagot.

Sabay na lumabas sina Duke at Mitzie at hindi pa man tuluyang nakakalampas sa pinto ay sinugod na sila ng mga kaklase namin. Kinausap nila ito pero hindi na kami lumapit dahil sa direksyon din naman namin sila papunta.

Umayos ng tayo si Troy. "Duke, litong-lito ako sa 2-5! Five points each pa! Ano ba ang sagot do'n?"

Tinanguan ako ni Mitzie at lumampas na sa amin habang si Duke naman ay tumigil sa tapat namin ni Troy. Tumingin siya sa lalaki at naiiling na napangiti.

"True or False lang yon, ah? Ayun nga pinakamadali sa exam."

Para akong nagimbal sa sinabi niya. What?! Parang wala naman akong nabasang true or false do'n, ah?!

"Sabi na, eh! Buti naman at naitama ko iyong 4 at 5," si Troy na ngayon ay medyo nakahinga na nang malalim.

"Hoy! Gago? Seryoso ba?!" nanlalaki ang matang tanong ko. "Bakit isinolve ko lahat?!"

Lumapit sa akin si Duke at ginulo ang kasusuklay ko lang na buhok. "Ano ang isosolve mo ro'n eh kumpleto ang given? I-indicate mo lang kung tama o mali iyong answer."

Naiiyak na napanguso ako. Wala na agad akong 20 points! Paniguradong bagsak na naman ako neto. Pahirapan na naman ako sa pagpapaliwanag sa scholarship office kapag ipinresent ko ang midterm grade ko.

I felt sad and disappointed. Pinaghirapan ko ang pag-aaral pero parang hindi talaga para sa akin ang engineering!

"Okay lang iyan, bebe Sol. Ugaliin mo kasi ang pagbabasa ng instruction," akbay sa akin ni Troy nang mapansin siguro ang lungkot sa mukha ko.

Sa kabilang banda naman ay ikinapit ni Duke ang braso ko sa kanya. "Kumain na lang tayo. Hayaan mo na 'yon. Marami pa namang pwedeng bawian."

I shook my head. "Hindi ako makakasama. May meeting kami sa club..." malungkot na saad ko. "Ang tanga kasi."

"Hindi ka maglulunch?" tanong sa akin ni Duke. "Kumain ka muna, Sol."

I pouted. "Hindi na. Saktong ala una kasi iyong meeting. Ayoko namang ma-late," I uttered before removing my arms from theirs. "Sige na, uuna na ako. Bye!"

Hindi naman na nila ako napigilan nang tumalikod ako sa kanila. Inaalala ko pa rin iyong exam ko, pero tama si Duke. Marami pa akong pwedeng bawian.

Pagkarating ko sa room kung saan gaganapin ang meeting namin ay halos naroon na ang lahat ng member. Nakita ko si Jelay, kaklase ko no'ng highschool sa bread and pastry class namin, kaya umupo ako sa tabi niya.

Chasing the Sun (College Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon