Chapter 28

879K 38.3K 32.5K
                                    

Ipinarada ni Atreus ang sasakyan sa tapat ng restaurant. Kinakabahan ako lalo nang makitang pumarada rin sa tabi ng kotse ni Atreus ang BMW ni Duke.

"Loosen up, para kang kabado."

I laughed nervously. "Pagod lang."

Nakita ko kung paanong pagbuksan ng lalaki si Bethany. Kung titingnan ay bagay na bagay sila. Engineer at lawyer? Not bad.

Hindi ko na hinintay na pagbuksan ako ni Atreus ng pinto. Bumaba na ako at hinintay na lang siyang makarating sa pwesto ko. Nauna nang pumasok sina Duke at Bethany sa loob ng restaurant kaya kaming dalawa na lang ang natira sa labas.

"Hindi ka ba komportable?"

I sighed. "Okay lang ako, Atreus."

Pumasok na kami at lumipad agad ang mata ko sa dalawa. Magkatabi sila at medyo nasa gitna ang mesang napili nila.

Atreus held my elbow to guide me. Hinayaan ko lang siya lalo at may dumaan sa gilid namin na waiter.

Nang makarating kami sa pwesto nila ay inalalayan ako ni Atreus sa pag-upo.

"Senior ba ako?" natatawang bulong ko sa kanya.

He chuckled before sitting beside me.

Bethany cleared her throat. Napatingin ako sa kanya. Iniiwasan kong mabuti na mapatingin sa katabi niya na katapat ko lang.

"So..." Pinanliitan niya kami ng mata. "Kayo?"

Napaubo ako sa tanong niya. Bakit ba ang prangka ng babaeng 'to?

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Atreus kaya sinamaan ko siya ng tingin. He was teasing me with his eyes!

Humarap siya kay Bethany at bahagyang umiling. "Ayaw pa."

She smiled. "You should step up your game, Atreus. Sigurado akong maraming nag-hihintay kay Ms. Solene."

"Sol na lang, Bethany."

Ngumiti siya sa akin. Duke was quietly reading the menu from my peripheral vision, as though something was interesting about it. His brows were a little furrowed, and his lips were in a grim line. Mukha na naman siyang galit.

"Kayo?"

Napatingin ako kay Atreus nang ibalik niya ang tanong kay Bethany. Her cheeks flushed furiously! Doon dahan-dahang nag-angat ng tingin si Duke at agad niyang nahuli ang tingin ko.

I shifted my eyes away from him and checked the menu.

"We're just... friends."

I breathed heavily. Nagtawag ng waiter si Atreus.

"What's yours?" baling niya sa akin.

Magsasalita na sana ako nang sumabat si Duke.

"Chicken curry?"

Ibubuka ko na ang bibig ko para sumang-ayon ngunit tumawa si Bethany at sumagot.

"You know my favorite, huh?"

I closed my half-open mouth and mentally rolled my eyes. Mabuti na lang at hindi ako nagsalita! Kung hindi ay mapapahiya ako! Of course, he was asking his date! Bakit naman ako mag-a-assume na ako ang tinatanong niya?

"Sol?"

I snapped back to reality and smiled at Atreus nervously. "Lasagna na lang..."

Atreus and Bethany were chatting as we waited for our orders. Paminsan-minsan ay sumasali ako sa kanila ngunit si Duke ay tahimik lang.

Hindi ko siya muling binalingan ng tingin kahit mahirap iyon dahil kaharap ko siya. After the incident in Amsterdam, I never thought I would see him again.

Chasing the Sun (College Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon