Chapter 32

857K 36.4K 84.9K
                                    

"Ang aga mo na naman, Engineer!"

Napairap ako nang marinig ang boses ni Roswell pagkababa ko pa lang ng kotse ko. Namataan ko si Duke na may dala na namang paper bag gaya ng mga nagdaang araw. I wondered what that was. Lagi kasing iba-iba ang laman noon.

Even from afar, his built was dominating. Ang polo niyang suot ay hakab na hakab sa katawan niya. Ang medyo humahaba niya nang buhok ay halatang inayos at sinuklay. Unang tingin pa lang, mukha na agad siyang mabango.

"Magandang umaga, Sol."

That was his most rehearsed greeting. Walang palya sa nagdaan na isang linggo. Araw-araw ay maaga siyang pupunta rito, papasok sa trabaho, mag-me-merienda at minsan ay hintayin pa akong makatapos sa trabaho.

"Good morning, Duke," I replied.

Nagtungo ako sa glass door ng shop at binuksan ito. Alas-sais y media pa lang ng umaga at alas-siete kadalasan ang oras ng trabaho ni Duke.

Pumasok ako sa loob at sumunod ang lalaki. Maging ang mga trabahante ay pumasok na rin. They did their usual routine. Inayos ang mga upuan at mesa. Ako naman ay nagtungo sa counter at inilapag doon ang gamit ko.

"Pwede ba kitang maimbitahan mamaya, Sol?" he asked in a deep baritone. Inilagay niya sa counter ang paper bag at nang silipin ko iyon ay may tupperware sa loob. Nagluto ulit siya para sa akin.

I looked at him. "Anong oras? May delivery kasi ako ng cakes mamaya."

"Ikaw ang mag-de-deliver?"

Tumitig siya sa akin at ipinatong ang isang kamay sa counter. Napansin ko agad ang mamahaling relo niya.

Dahan-dahan akong tumango. "May kalayuan kaya baka... matagalan ako. Sa ibang araw na lang, Duke."

He looked down. Tumingin siya sa kamay kong nakapatong din sa counter, malapit sa kamay niya.

I blushed as I recalled how he used to play with my fingers as if it were the most natural thing in the world..

"Sa office lang ako ngayon para sa meeting. Pagkatapos no'n ay wala na akong gagawin. Pwede ba kitang samahan?" mahina ngunit malalim ang tinig na tanong niya.

My breathing hitched. "Kasi, uhm... malayo, Duke."

He grinned. "That's... better."

Ipinaglagay ko siya ng cheesecake sa isang paper bag bago siya umalis. Pupunta raw siya sa shop nang mga alas tres ng hapon. The thought of us being on a three-hour drive overwhelmed me.

Duke was a bit persistent. Noong mga unang araw na si Atreus ang kasama ko lagi kapag hapunan ay pupunta si Duke sa akin sa umaga para yayain ako sa mismong shop ko na mag-umagahan.

Hindi ko maiwasang mag-alala kay Atreus. These days, I noticed how he became aloof. Kapag kakain kaming dalawa ay may mga remark pa ito na hindi ko nagugustuhan.

"Mas matagal na akong nanliligaw, ha? Baka naman iyan pa ang sagutin mo..." pabiro niyang saad isang beses habang naglalakad kami patungo sa condo ko.

"What do you mean?"

He'd shrug jokingly. "Wala lang. Mas kilala kita kaysa sa kanya." He laughed. "Sana naman ay maisip mo lahat ng nagawa ko para sa iyo."

Pabiro niyang sinabi ang mga iyon pero alam kong may laman ang mga salita niya. Tuwing nagsasalita siya ng tungkol doon ay natatahimik ako. Totoong mas komportable akong kasama si Atreus dahil itinuturing ko siyang kaibigan ngunit kapag gano'n na siya, hindi ko alam kung paano mag-re-react.

Buong umaga ay nag-bake lang ako. Inihanda ko ang cakes na idedeliver mamaya para sa wedding anniversary. Surpresa pa ata ito dahil kaibigan ng mag-asawa ang tumawag sa akin.

Chasing the Sun (College Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon