Chapter 39

838K 29.1K 32.2K
                                    

"Natuloy rin ang naudlot," pang-aasar sa akin ni Roswell.

Inirapan ko lang siya at nagpatuloy sa pag-aayos ng brownies at cookies sa counter. I couldn't help but smile when I looked over at Duke, who was cleaning the table. Matapos ang meeting niya kasama ang ibang engineer, dito na siya dumiretso sa shop para raw tumulong kahit hindi naman na kailangan.

Napaiwas ako ng tingin nang sumulyap din siya sa pwesto ko.

He caught me staring at him!

I continued whatever I was doing. Si Roswell ang humaharap sa orders ng customer, si Diane ang nagbibigay sa tables at sina Lexus at Ford ang nagdedeliver. Wala naman na masyadong i-ba-bake dahil halos patapos na ang araw. Next month ay mag-ma-maternal leave na si Jelay at dahil ayaw kong mag-isa sa pag-ba-bake , I would hire more bakers next week.

"Tapos ka na ba, Sol?"

Tumingin ako kay Duke na nakahilig sa counter at tumango.

"Bakit? Gutom ka na?" I asked him. Tinanggal ko ang suot na apron at inilugay ang buhok.

His lips parted a bit before smiling.

"Hindi pa naman. Iniisip ko lang na baka ikaw ang nagugutom na."

Tumango ako. Roswell teased me when I told her to bring us our dinner.

"Umuna ka na roon sa upuan. Maghihilamos lang ako."

Tumango si Duke sa akin at naglakad patungo sa sinabi kong pwesto namin. Pinanood ko ang paglalakad niya hanggang sa nakarating siya roon.

‍Habang nasa pantry, nakita kong umilaw ang cellphone ko kaya kinuha ko ito.

Unknown Number:

Hi, Solene. This is Bethany. Are you free tonight?

I licked my lower lip as I typed a reply.

Me:

Yeah. But, what for? Kung tungkol sa kaso, Duke told me he'd deal with it.

Halos mapailing ako sa format ng text ko. Really, Sol? What's with the formality?

Bethany:

Oh, it is not about the case. Tungkol sana kay Laurence.

Dinaga ang dibdib ko sa nabasa. Napansin ni Jelay ang pagtitig ko sa cellphone kaya nilapitan niya ako. Sumandal siya sa locker at tiningnan ako nang mabuti. I couldn't even type a reply!

"Anong meron?" tanong nito.

Ibinaba ko ang cellphone. "Bethany wants to talk to me..."

"Oh, edi makipag-usap."

Umirap ako. "It's not about the case! Tungkol daw kay Duke!"

Lalo siyang humilig sa sinasandalan at sinimangutan ako. "Oo nga, makipag-usap ka. You trust him, right? Anong kinatatakot mo?"

I bit my lower lip and nodded. "Nakakakaba lang."

"Sus, ikaw ang nililigawan, eh!"

Muli kong inangat ang cellphone at nagtipa ng sagot sa babae.

Me:

Sure.

I breathed heavily. Walang imik akong lumabas ng pantry para puntahan si Duke. May pagkain na sa mesa namin pero hindi pa rin siya nagsisimula. Nang makitang palapit ako ay umayos siya ng upo at hinintay akong makarating sa direksyon niya.

"Bakit hindi ka pa nagsisimula?" tanong ko.

Binigyan niya ako ng kutsara at tinidor. Inayos niya rin ang plato ko na parang may dapat pang ayusin doon.

Chasing the Sun (College Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon