Chapter 17

879K 35.5K 80.7K
                                    

"Ang tagal mo nang hindi tumatanggap ng labada, Nay," ani ko habang kumakain kami. "Ayos lang naman sa akin 'yon, pero, bakit?"

She smiled. "Napapagod na ang kamay ko, Sol."

Tumango ako at bahagyang pinisil ang kamay niyang nasa mesa. "Magpahinga ka muna. Ako na ang maglalaba pag-uwi ko. Medyo maluwag naman ang schedule ko ngayong sem."

"Huwag na." Umiling siya. "Malapit na ang battery exam mo. Mag-aral ka."

I chuckled. "Hindi mo kailangang mag-alala ro'n. Anak mo ako kaya matalino ako!"

"Bagsak ako sa algebra at trigonometry noon, Sol." Sinabayan niya iyon ng pagtawa. "Oo nga, anak nga kita."

Nginusuan ko siya. "Papatunayan ko sa 'yong basic lang sa akin ang exam!"

"Pag ikaw hindi nakapasa d'yan e!"

"Oh bakit, Nay, ano ang gagawin mo?" hamon ko sa kanya.

She smiled genuinely but it didn't reach her eyes. "Wala, yayakapin kita."

"Paano kapag nakapasa?" tanong ko dahil ayokong ipakita na naantig ako sa sinabi niya.

"Syempre, yayakapin pa rin kita."

Pinanliitan ko siya ng mata. "Sweet mo, pwede pa kiss?" I chuckled. "Anyway, saan ang larga mo today, mom?"

Nag-iwas siya ng tingin sa akin at bahagyang kinagat ang labi. "K-kay Ivy lang."

Tumango lang ako.

Pagkatapos kumain ay naghanda na ako papunta sa school. Hindi ko kasabay si Duke ngayon dahil maaga siyang pumunta kay Mitzie. Nagsabi naman siya sa akin kaya hindi ako nag-isip ng kung ano.

Habang papunta sa school, pakiramdam ko ay may nakasunod sa akin. Sa paglabas ko pa lang sa bahay hanggang sa paglalakad ko hanggang kanto namin ay hindi ako mapakali dahil parang may mali.

Sumakay ako ng jeep at nakita ang isang lalaking galing din sa barangay namin na sumakay rin sa sinasasakyan ko. Kinuha ko ang aking cellphone at nagkunwaring may itinetext. Umupo siya sa harap ko at ramdam ko ang titig niya sa akin.

Kahit malapit lang ang school sa bahay namin, it felt like a long drive.

Napahinga lang ako nang malalim nang makarating ako sa school at hindi naman bumaba ng jeep ang lalaki.

"Sol!"

Napatingin ako kay Harvin na tumatakbo palapit sa akin, malaki ang ngiti at nakasuot ng uniform nila.

"Bakit?"

Hinihingal siya nang makarating sa pwesto ko. Mahigit isang buwan ko rin siyang hindi nakita dahil busy ako sa pag-re-review.

"Paki-sabi naman kay Mitz na may gig kami sa Sabado. Hindi nagrereply, eh."

Napaisip ako bago tumango. "Di ko lang sure kung sasama 'yon. Malapit na ang exam namin."

He nodded. "Basta pasabi na lang."

Tumango ako muli sa kanya. "Sana itinext mo na lang ako."

He winked at me. "Silay na rin."

Tumawa lang ako at nagpaalam sa kanya dahil may klase pa kami. Nagtungo ako papunta sa building namin nang maramdaman ang pagsabay ni Troy sa paglalakad ko.

"Saan ka galing?" tanong ko dahil hindi kami iisa ng direksyon na pinanggalingan.

"Sa CAS, pinuntahan si Achi."

Inirapan ko lang siya. He was totally smitten! Lagi na lang niyang bukambibig ang babae kahit na nagrereview kami. It's not that I'm unhappy, natatawa lang talaga ako sa porma niya.

Chasing the Sun (College Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon