Chapter 22

1M 40.3K 19.3K
                                    


Trigger Warning: Suicide

It wasn't easy. Wala akong alam sa Maynila nang dumating ako rito.

Bagay na napagtanto ko nang matuto akong mabuhay mag-isa, mas masakit ang proseso ng paghilom kaysa sa mismong sugat.

I texted Ma'am Candy that I would leave Isabela because of some matters. Matapos iyon ay nagpalit na ako ng number. I deactivated all my social media accounts. Ang pokus ko ngayon ay nasa paghahanap kay Nanay.

Ngayon ay nasa harap ako ng Manila City Jail. After months of searching, dito ako napadpad. Sabi ng isang police officer ay naging mabilis lang ang trial ni Nanay dahil umamin siya sa ginawa niya. My father's family in America was furious.

I lost count of the months that passed. Ito ang unang beses na makikita ko si Nanay. Napuntahan ko na halos lahat ng presinto kahahanap sa kanya. Hindi ako nakapagtanong sa mga pulis sa Isabela dahil sa mabilisan kong pag-alis. Hindi pa maasahan ang mga pulis dito sa Maynila dahil kahit ilang beses ko nang ipinahanap ay walang kumikilos sa kanila.

Of course, I didn't have the power to do that.

Pumasok ako sa presinto at sinabi sa isang officer doon na narito ako para sa Nanay ko. Inagahan ko ang punta dahil hindi ako mapakali sa bahay.

"Nay..."

Kung noon ay laglag ang katawan niya, mas kapansin-pansin ito ngayon. She was dressed in an orange shirt, and no matter how hard I tried, I couldn't keep my gaze away from her.

Humagulgol ako nang maupo siya sa tabi ko. Walang bakas ng gulat sa mukha niya pero kita ko ang lungkot doon.

Niyakap ko siya nang mahigpit; ni ayaw kong bumitaw dahil pakiramdam ko ay mawawala siya.

"Anak..."

Mas lalo akong naiyak sa paraan niya ng pagtawag sa akin. It sounded so soft and sweet. Matapos ang halos kalahating taon naming hindi pagkikita, nahawakan ko ulit siya. Narinig ko ulit siya.

It was just one of the days. Araw-araw akong dumadalaw sa kanya, walang palya. Lumipat din ako sa mas malapit na apartment para mas mabilis akong makapunta sa kanya.

Dinadalhan ko siya ng pagkain. Nakahanap din ako ng trabaho. Nag-apply ako sa isang maliit na bakery at nagustuhan nila ang paggawa ko ng pandesal. Sapat na sa pangkain ko ang kinikita ko araw-araw. Pag tanghalian ay lagi ko ring dinadalhan si Nanay sa kulungan.

We couldn't win her case, ayun ang sinabi ng abogado ni Nanay nang kausapin ko ito. Umamin siya sa kasalanan at nag-match ang fingerprints niya sa mga nakalap na ebidensiya.

This was the very least I could do for her. Kuntento na akong hindi man kami kagaya ng dati, mas ayos sa akin ang nakikita ko siya. It was a lifetime imprisonment. Hindi na kami uli magsasama sa iisang bubong dahil habambuhay na siya sa bilangguan.

She made friends with some of the prisoners. Itinuring daw siya na parang nanay rin sa loob.

"Nag-bake ako ng brownies, sariling recipe ko! Ikaw pa lang makakatikim niyan!" I said proudly.

She narrowed her eyes at me. Kumuha siya ng isang piraso at kinagat ito. Nakatitig lang ako sa kanya habang hinihintay ang reaksyon niya.

Napangiti ako nang bigyan niya ako ng approved sign. "Sarap! Pwede mong ibenta 'to!"

Hindi ko ginastos ang perang naipon ni Nanay. Sinabi niya sa akin na limang taon niyang nilikom iyon para makapagpagawa ako ng bakeshop. Hindi ako sumagot sa kanya no'n dahil alam ko sa sarili kong hindi pa ako handa lalo at nandito siya sa loob.

Chasing the Sun (College Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon