Chapter 33

998K 36.6K 25.2K
                                    

"Solene, mabuti naman at bumalik ka!"

Napatingin ang lahat ng bisita sa akin kaya namula ako. Nginusuan ko si Kuya Sean bago lumapit sa kanya.

Umikot ang mata ko ngunit hindi ko mahanap si Duke. Ang nahagip ng mga mata ko ay si Mitzie na nakayuko at hindi makatingin sa akin.

"Nasa kotse si Duke. Binadtrip mo," natatawang bulong niya sa akin.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi bago nagpaalam kay Kuya Sean na pupuntahan ko ang lalaki. May kasalanan pa ako sa kanya kanina dahil sa iba ako sumama gayong may usapan kami.

Bukas ang bubong ng kotse niya kaya mula sa likod ay kita ko ang ulo niyang nakasubsob sa manibela. Dahan-dahan akong lumapit dahil sa hiya.

"D-Duke."

Nag-angat siya ng tingin at agad na nagtama ang mga mata namin. Pinanood ko ang pagbabago ng ekspresyon niya. Mula sa lungkot ay biglang dumaan ang gulat at saya roon.

"Sol!" anas niya sa pagkabigla.

I bit my lower lip and gave him a smile. "Sorry."

He gulped. Bumaba siya mula sa sasakyan niya at pumunta sa pwesto ko. Nang nasa tapat ko na siya ay medyo nakatingala ako sa taas niya.

"Nasaan si Atreus?" seryosong tanong niya.

"Pinauna ko. Gusto kong makakwentuhan si Kuya Sean," pagdadahilan ko pa.

I saw a sliver of a smile on his lips, but he quickly stopped himself. He shifted his weight before staring at me. Namula ako sa ginawa niyang pagtingin kaya bahagya akong yumuko.

"Did you eat your lunch?" mahinang tanong niya. Tinutukoy ang ibinigay niya sa akin kaninang umaga.

I nodded. "G-gumaling kang magluto ng... caldereta."

Hindi pa rin ako makatingin sa kanya. Isang metro lang ang layo namin sa isa't isa kaya para akong mawawalan ng hangin.

"For the past years, I practiced my cooking skills." He chuckled. "Buti naman at nagagamit ko na ngayon... sa rason... kung bakit ako nag-aral." Humina ang boses niya.

"Huh?"

Umiling lang siya at binigyan ako ng maliit na ngiti. Ilang minuto pa kaming natahimik sa labas bago kami pumasok sa Square. Nagkakatuwaan na ang mga kaibigan nina Kuya Sean at Mitzie. Ang dalawa naman ay parang may sariling mundo sa gilid.

Nang makitang pumasok kami ay nagulat pa si Mitzie. Nag-iwas agad siya ng tingin at kinulbit si Kuya Sean na nakatalikod sa amin.

"Sol, Duke, kumain muna kayo!" ani Kuya Sean. Tumayo pa ito at nilapitan kami.

"Ako na ang bahala kay Sol, Kuya, bumalik ka na sa asawa mo," anas agad ni Duke.

Kuya Sean let out a low chuckle. Umiling-iling pa ito bago tapikin ang balikat ni Duke. Bumalik siya kay Mitzie na nanonood lang din sa amin.

"Umupo ka na, ikukuha kita ng pagkain."

Napabaling ako kay Duke. Nakatingin din siya sa akin kaya nagtama ang mata namin.

"Ako na..."

He shook his head. "Alam ko naman ang mga paborito mo."

I sighed before nodding. Tipid siyang ngumiti roon. Akala ko ay didiretso na siya sa mga pagkain kaya medyo kinabahan pa ako nang ipinaghila niya ako ng upuan malayo sa mesa ng mga bisita.

Napatingin ako kay Kuya Sean na may nakakalokong ngiti sa labi.

Habang kumukuha ng pagkain si Duke ay nakatulala lang ako. I felt bad for Atreus, and I knew I had to apologize to him. Ang akin lang, hindi ko nagugustuhan ang ugali niya. Ayokong ginagamit niya ang pagkakaibigan namin para itrato nang gano'n si Duke.

Chasing the Sun (College Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora