Kabanata 1

13.4K 398 8
                                    


"I don't want to complain anymore. I know I will have a bright tomorrow."
-Betty-
🌟🌟🌟

Working


AGAD kong pinulot ang bawat butil ng nabasag kong pinggan. Nataranta kasi ako at hindi sinasadyang nahagip ito nang kamay ko sa gilid.

"Ano ba, Betty! Ilang pinggan na ba ang nababasag mo?" si Thea sa gilid ko.

"Bilisan mo! Ang daming customer na naghihintay ng order!" Umalis na agad siya na bitbit ang iba pang order sa mga kamay niya. Natahimik lang din ako at maingat na nilinis ito.

"O, ano na naman 'to, Betty? Basag na naman ba?" si Maam Irene, siya ang Store branch Manager namin.

"Hindi ko kasi nakita, Maam," mahinang tugon ko.

"Arnold! Nasusunog na ang French fries! Stick to your job! And you Thelma! Bilisan mo ang paglagay ng burger sa bawat grilling. Huwag sunugin ha."

"Yes, Maam!" si Thelma. Siya kasi ang na assign na tagaluto ng burger patty at si Arnold naman sa french fries. Siya rin ang tagalagay nito sa shelves.

"Betty, bilis na! Maraming ililigpit na duming pinggan sa bawat lamesa at hugasan. Bilis! Ibabawas ko iyang mga nabasag mo sa sweldo mo ha, Nakaanim ka na sa linggong ito."

"Opo, Maam." Binilisan ko na at mabilis akong lumabas ng cooking station, at iniligpit ang bawat pinggan sa mesa.

May iilang customer na naghihintay at ang iba sa kanila ay nakatayo pa. Maingat ko lang nilagay ang bawat duming plato sa stroller at pinunasan ang lamesa.

"Miss, dito pa oh!" Tawag ng isang customer sa akin. Naghihintay din sila na malinis ang mesa sa kabila. Tumango lang din ako.

"Ikaw lang ba mag-isa ang na-assign dito sa labas?" matipunong boses niya.

Nag-angat agad ako nang tingin sa kanya. Gumihit lang din ang ngiti sa labi ko habang pinagmasdan siya. Tumango lang din ako at bumalik sa ginawa ko. Malapit na din itong matapos.

"Akin na, pahiram ng isa." Kinuha niya agad ang ang extrang pampunas at mabilis na pumunta sa kabilang mesa. Napatingin lang din ako sa ginawa niya.

He cleaned up the other table where the other customers are waiting. Mabilis lang din niyang nilagay ang bawat pinggan sa rolling stroller.

"Akin na." Sabay kuha niya sa iba pang pinggan.

"Ako na. Salamat."

Ngumiti lang din siya nang matapos at binalik ito.

"Tapos na ba ang klase mo?" ngiti ko.

"Oo."

"Jason!" si Maxine.

Napalingon lang din kaming dalawa sa kanya. Nakangiti naman siyang lumapit kay Jason at humalik pa sa pisngi niya.

"Kanina ka pa ba, hon? Natagalan kasi ako. Ang kupad kasi ni Manong magmaneho," reklamo niya.

Tumango si Jason, yumakap at humalik na din sa pisngi niya.

"Upo ka na. Mag o-order lang ako."

"Okay."

Napako ang tingin niya sa akin at ngumiti lang din ako kay Maxine. And as usual, she rolled her eyes at me.

Hmp, kailan pa ba siya naging mabait sa akin? Ang bruha lang din! Inayos ko na ang mesa nila at malinis na. Nakalinya na rin si Jason para um-order ng pagkain nila.

Fall At Your Feet (DFM#1)✅ Where stories live. Discover now