Kabanata 10

10K 370 8
                                    



TAMANG-TAMA ang dating namin dahil nagsimula na agad ang graduation mass. Naging tahimik lang din ang lahat.

Nang matapos ay hindi na kami umiwi ng bahay ni Drake, at kumain na muna ng meryienda sa labas ng campus. Dalawang oras na paghihintay bago magsimula ang graduation ceremony.

Si Nanay pa mismo ang humawak ng toga ko. I know they're looking at me right now constantly. Panay ang titig nilang dalawa sa akin ngayon habang kumakain. Mukhang naghihintay sila sa sasabihin ko sa nangyari kanina.

Mariin kong pinunasan ang bibig bago nag-angat nang tingin sa kanilang dalawa. Nakangiti ni Nanay, samantalang seryoso naman ang titig ni Papa sa akin. Napalunok na ako at ininom ang tubig ko.

"Pa, wala pong nangyari sa amin ni Drake," panimula ko. Tumikhim na siya at ininom lang din ang soda niya. Nabaling ang tingin ko kay Nanay na ngayon ay maingat na kumain. Nakayuko lang din siya.

"Nay, wala talaga. Ang alam ko sa sofa ako natulog kagabi. Hindi na ako pumasok sa kwarto ninyo kasi ayaw kong maka istorbo ng tulog." Subo ko ng pagkain.

"Nagising na lang ako na katabi ko na si Drake. Basta iyon na 'yon!" inis na tugon ko.

Ang totoo wala na akong maalala pagkatapos kong matulog sa sofa. Probably the two drinks hit my body into a sedation stage and I couldn't think nor remember anything. But one thing is for sure, nothing happened between us. I'm pretty sure.

"Wala namang masakit sa akin, Nay."

Tumikhim ulit si Papa at umiwas sa titig ko. Ngumiwi na ako at inubos na lang din ang pagkain ko.

"Wala namang masama sa ganyang bagay anak, dahil magkasintahan naman kayo. Pero sana huwag ka munang magbuntis."

Napaawang ang labi ko sa sinabi ni Nanay. Huh, the heck! Liberated na 'ata ang tingin nila sa akin ngayon. Nakakainis na!

"H-hindi ho ako mabubuntis!" Kunot-noo ko.

"Mamaya na natin pag usapan 'yan, anak. Gusto rin ni Drake na kausapin kami ng Nanay mo mamaya na kasama ka," si Papa.

Huh, kausapin mamaya? Talaga lang Drake ha! Ano na naman kaya ang binabalak ng mukong na 'yon.

Tumahimik na ako at hindi ko na pinakingan ang pag uusap nilang dalawa. Taliwas naman ito sa nangyari kanina. Panay pa ang tingin ni Papa sa bawat estduyante na nandito. Halos lahat kasi sa kanila ay nakangiti sa akin, o 'di kaya ay tinatawag ang pangalan ko. Pagkaraan ng ilang oras ay bumalik na kami para sa graduation. Tahimik na natapos ito.

I've delivered the speech so well and dedicated it to my parents and my fellow students. I know the true journey in life begins when you finished school. Ito ang totoong simula ng pakikipagsapalaran natin sa buhay.

Natahimik ako sa sarili ko. If so, then my real journey evolves already on Drake, tama ba? Na kahit na anong gawin ko ay nakakabit na siya sa buhay ko ngayon.

I admit it, I didn't even think about this when I accepted his proposal. I had no choice back then, and I don't even have a choice now. Hindi ko alam kong ito ba ang gusto ko. Ang gulo lang din.

"Betty, my love, congratulations!" Sabay abot ni Jason ng bulaklak sa akin. Natawa pa ako sa kanya at malugod na tinangap ito. Nagmano din siya sa mga magulang ko. And the same with me, its his graduation too.

"Matatawag na ba kitang Engineer Jason Torayno?" Malawak na ngiti ni Papa sa kanya.

"Hindi pa po, Pa, pero pwede na rin. Mag ta-take pa ako ng board exam sa Manila at review rito. At kapag naging Civil Engineer na ako Nay, Pa. . . Pakakasalan ko na si Betty," pabirong tugon niya sa mga magulang ko.

Fall At Your Feet (DFM#1)✅ Where stories live. Discover now