Kabanata 31

8.8K 354 7
                                    


The best proof of love is trust.
🍀🍀🍀

Trust



Imbes na ngayong linggo ang balik namin ay na postponed pa ito. May huling proyekto kasi na ginagawa si Drake. Hindi nga naman niya maiwan ang kompanya, dahil dito nga naman ang trabaho niya. Ilang beses ko na rin itong pinag-isipan sa sarili. Sa Pilipinas pwede naman siyang mag negosyo, pero iba nga naman dito, dahil CEO siya at hindi siya basta-basta makakalayo.

He can accompany me for three months maximum, but sooner he has to return for his job. Ang selfish ko naman, kung pati trabaho niya ay iiwan pa, dahil lang sa kagustuhan ko. Kaya sumang-ayon na muna ako rito nang tatlong buwan pa.

I'm on my second trimester and I'm still fit, running five months and my baby bump is a show off already.

As usual, sino pa ba ang personal bodyguard ko? E, walang iba kung 'di ang nag-iisang kapatid ko rito na si Diego.

He managed the HQ Sense of Papa, and at the same time he works under Drake. He's very flexible. Minsan naiisip ko kung may oras pa ba siya sa paghahanap ng tamang babae sa buhay niya? Ewan ko na lang din, ah!

But all in all I'm becoming more comfortable in everything. Bumalik ang tiwala ko sa lahat nang nandito, at sa loob ng anim na buwan ay napamahal na din sa akin ang Mazaro. Naging matalik ko na kaibigan si Venette, at ang nag-iisa kong baliw na pinsan na si Carmella. She herself also has changed so much.

"Ayaw mo bang dalawin si Drake sa office niya?" Si Carmella sa akin.

"Para ano pa? Okay lang naman siya 'di ba?" Sabay kain ko ng mangga.

Inutusan ko kasi siyang bilhan ako ng hilaw na mangga. I'm still craving at this stage and its driving me crazy! Kailan pa ba matatapos ito? Gusto ko ng matapos ang cravenness ko, dahil minsan kung ano-ano lang na pagkain ang pumapasok sa utak ko! At ang mahirap ay ang iba ay wala pa rito!

Simula kasi noong nangyari sa amin ni Diego, ay hindi ko na dinadalaw si Drake sa opisina niya. Kaya madalas sa bahay ako, o 'di kaya'y sa boutique na pagmamay-ari nina Venette at Carmella. May bagong negosyo kasing pinasok ang dalawa, at cloth line ito.

"Puntahan mo. May ahas kasi roon at naiinis ako!"

"Ano?" taas kilay ko.

Natawa na siya habang kumakain ng mangga. Panay pa tuloy ang tingin ko sa kanya. In fairness, ang takaw ni Carmella. Kung hindi ko lang siya kilala ay mapagkakamalan ko na buntis siya. But she's not pregnant! Matakaw lang talaga siya.

"Anong ahas?" inis na tugon ko.

"Mga babaeng aaligid-aligid," ngiwi niya.

Nagkibit-balikat na ako sa kanya.

"Hindi naman papansinin ni Drake. Ano ka ba!" kampanteng tugon ko.

Umayos na siya sa pagkakaupo at mas humarap sa akin.

"Alam mo, bilib din ako sa confidence mo pagdating kay Drake. Ako kasi selosa ako, eh."

"Iba naman kasi si Drake. Hindi naman siya pumapatol sa kahit kanino," ngiti ko.

Natawa na si Carmella at muntik nang mabilaukan pa.

"It just remind me of who he was before. Don't you know that girls chased him? And that he will just need them for a one night stand. At hindi pa basta-basta ang mga babaeng na li-link sa kanya, Betty. Iyong iba sikat na model pa!"

Napalunok na akong tinititigan siya ngayon.

"T-talaga?"

Tumango na siya. "At sa sobrang selosa ko noon 'di ko na 'ata mabilang kung ilang babae na ang nakaladkad ko palabas sa opisina niya," nguya niya. Mas napalunok na ako ngayon. When was the last time we made love? Hmp, that was two months ago! Panay kasi ang mood swing ko, at may mga gabi na gusto ko, pero pakiramdam ko pagod siya sa trabaho.

Fall At Your Feet (DFM#1)✅ Donde viven las historias. Descúbrelo ahora