Kabanata 11

10K 375 7
                                    


"If you're confident enough that nothing happened between us last night, then stand for it. Dahil hindi ko sasabihin sa'yo ito."
-Drake-
🍀🍀🍀


Identity


PANAY na ang ingay ni Carmella sa gilid kasama ang iilang bodyguards niya. Ngayon ko lang din napansin na may tatlong bodyguard si Carmella, at lahat sila ay astig talaga. Nakatayo si Jet sa gilid at si Diego naman ang katabi niya. They're drinking . It's a free night for a drink and partying for everyone. Kaya nakisali na rin ako.

It was almost eleven o'clock when everyone calm down and went back to their designated job. Ang iba ay natulog na at bumalik sa mga kwarto nila. Kagaya nila Papa at Nanay, maaga sila, pero nag-kwentuhan sila ni Drake kanina sabay inom. Tanging si Carmella na lang din ang naiwan at ang iilang bodyguards niya. Lasing na siya, sobra.

I had a few glass of beer too. Tatlong maliit na baso lang din ang naubos ko, at ito lang din ang kaya ko. Kaya panay soda na ang ininom ko at kain na lang.

I had fun watching Carmella dancing near the pool with the boys, and also scrolling my social media too.

Panay kasi ang post ng mga kaibigan ko sa social media nila. Pero nakuha ang atensyon ko sa post ni Jason talaga.

Jason posted:
I just realized how much I've wanted you and never had the chance to show it to you.

I commented:
Tsk, are you wasted? Duh!

It has more than a hundred comments on his post and most of them are girls. And I've found it out that from reading the comments sections. Him and Maxine are over. Break na talaga sila.

Hmp, ano pa nga ba ang bago sa playboy na 'to? Wala na!

Nahinto na ako nang huminto na si Carmella sa kasasayaw ngayon. Tinawag niya ako at umiling lang ako sa kanya.

Ang kill joy ko rin siguro. Nahihiya kasi akong sumayaw at hindi rin naman ako marunong sumayaw.

Tumayo na ako para magtungo sa banyo. Pagkabalik ko, imbes na bumalik sa pwesto ay sa harap ng veranda ako nagtungo.

From here, I could still see Carmella and the boys. They're still making noise but it's not bad. Mabuti na lang at malaki ang bakuran ng bahay na ito, at medyo malayo sa ibang bahay. Napasandal ako sa bakal na riles ng verand at tinanaw ko ang ilaw ng pool sa harap. Tumingala rin ako, at bilog ang buwan ngayong gabi.

Ang daming nangyari sa araw na 'to. Maliban sa graduation day ko ay ang eksena rin namin ni Drake at ang nakakatawang proposal niya. At talagang hindi pa siya nagpaliwanag ng husto sa akin. Naalala ko rin ang pangalan na tinawag niya sa akin kanina.

Mas huminga na ako nang malalim habang pinagmamasdan ang liwanag ng buwan. As much as possible, I don't want to think about it. Ayaw ko, dahil para sa akin ang mga magulang ko ngayon ang totong mga magulang ko at wala ng iba.

Hinilamos ko lang din ang dalawang palad ko sa mukha. Nagiging emosyonal na 'ata ako ngayon. Umepekto rin pala ang ininom ko kanina.

"Here," matigas na boses niya. Inabot niya sa akin ang mainit na tsa-a. Tinitigan ko muna ito at pati na rin ang mukha niya, bago ko ito kinuha sa kamay niya.

"Salamat."

"Did you have fun?" tanong niyang hindi nakatingin sa akin, dahil napatingin ako sa kanya ngayon.

Napako lang din ang tingin niya sa ilaw ng pool. Maganda kasing pagmasdan ito. Sumasayaw at nag iiba ang bawat ilaw nito.

"Thanks to you! I had my nightmare and my dream got twisted today." Sabay inom ng tsa-a ko.

Fall At Your Feet (DFM#1)✅ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon