Kabanata 17

9.1K 375 8
                                    


"I can't help thinking about you. Let's cuddle so I can steal your body heat."
-Drake-
❤️❤️❤️

Heat


I think the first date made us closer with each other.

Naging mas kampante na ako sa kanya ngayon. Naiilang pa din naman ako, pero unti-unti ko na siyang nakikilala.

Sa loob ng isang linggo, ay nilibot namin ang tourist spots sa loob at labas ng Cebu. I had fun, we had fun embracing each other's company.

Nilubos na ito ni Drake dahil sa susunod na araw na ang lipad namin pabalik ng Italya. Nauna nang bumalik si Carmella sa Italy, at susunod na lang din kami.

Nandito na rin sina Nanay at Papa sa bahay niya. Mananatili muna sila rito nang ilang buwan, dahil tinatapos pa ang bahay namin sa Probinsya.

Nakita ko rin ang ginawa nila rito, dahil panay ang picture ni Nanay sa bagong cell phone niya. I saw the happy faces of my parents and that alone completes me already. I don't know how long I have been staring at them from a distance. Inisip ko kasi, na sana naging totoong kadugo ko na lang sila.

I feel like my heart will bleed into pieces again. I have this feeling of being lost at my own self.

HUMINGA ako nang malalim at lumapit sa kanila. Pumagitna pa ako, at sabay silang niyakap sa piling ko. I'm going to miss this moment, I'm gonna miss their embrace, their kisses and cuddles.

"I love, Nay, para sa akin ikaw ang the best the Nanay sa buong mundo." Halik ko sa pisngi niya. Ngumiti na siya at halata pa ang namumuong luha sa mga mata niya Napako rin ang titig ko ngayon kay Papa. Nakangiti siya at halata masyado ang pamumula sa gilid ng mga mata niya. Alam kong naiiyak na siya ngayon. Ang hina rin talaga ng luha ni Papa.

"I love, Pa." Sabay yakap ko sa kanya. Humagulgol na ako sa dibdib niya, at yumakap naman agad si Nanay. Nagyakapan na tuloy kaming tatlo rito.

"Huwag mong pababayaan ang sarili mo, anak Betty. Kung mag-aaway man kayo ni Drake ay magpakumbaba ka, anak. Lawakan mo ang pasensya at pag-unawa mo ha?" si Nanay sa akin.

"Mag-iingat ka, anak. May cell phone naman at laptop na binili si Drake sa bahay, at magpakabit din kami ng w-wifi. Wala kaming alam ng Nanay mo sa mga ito. Pero nandiyaan naman sina Max at Box. Mukhang mga tigasin, pero mababait sila anak," si Papa sa akin.

"Mag-iingat din kayo. Ma-mi-miss ko po kayo ng sobra." Mas mahigpit na yakap ko.

Hinayaan na nila ako sa posisyon na ganito. Nag-angat ko ng tingin at napansin ko si Drake na nakatingin sa amin. Nasa labas siya ng veranda at nakaharap siya sa bahaging ito. Kitang kita ko siya dahil glass naman ang dingding dito. Ngumiti na ako at tumayo na rin.

"Puntahan ko lang po si Drake," paalam ko sa kanila.

Nitong mga nakaarang araw ay kakaiba kasi siya. He's more showy with his feelings towards me, na minsan nagiging korney na para sa akin.

"What are you doing?" Sabay tabi ko sa kanya.

"Just thinking."

"Thinking about what?"

"Everything. . . Iniisip ko lang ang iilang bagay."

Humarap na ako at tiningala siya.

"You're thinking way too much, Drake. Huwag mo masyadong isipin ang iba pang mga bagay."

"I know, but I can't help it," taimtim na titig niya.

"I couldn't help thinking about you, love. Let's cuddle and so I can steal your body heat." Matinding yakap niya. Gumuhit na agad ang ngiti sa labi niya. Napailing na ako. Heto na naman tayo sa mga ka-korneyhan niya.

Fall At Your Feet (DFM#1)✅ Where stories live. Discover now