Kabanata 2

11K 409 16
                                    


"Ang lakas ng mga braso mo. Nakayanan mong bitbitin ang lahat ng 'to. Bagay na bagay para kay, Boss,"
-Diego-
❤️❤️❤️

Tip


"Naku Betty hindi pwede eh," si Maam Christine.

"Noon pwede ka pang mag down man lang. But this time we cannot let you march on the stage if you don't pay in full."

Natahimik akong nakatitig sa kanya. I tried to asked her approval if they could let me march on stage first before paying my balances. Pero mukhang impossible rin.

"You know I look at you like my own daughter, Betty. Matalino ka. You're a full scholar in this University, and you will graduate as our Magna Cum Laude in this Department of Education. Kung may maitutulong lang din sana ako, tutulungan kita, anak. Pero hirap din kasi ako." Gumuhit lang din ang lungkot sa mukha niya. Pilit na ngumiti ako sa kanya.

"Don't worry, Maam. Maghahanap po ako. Salamat po talaga." Pilit na ngiti ko.

"You can do it, anak! Ikaw pa." Sabay kindat niya.

Mahina lang din akong humakbang at umakyat ng hagdan patungo sa ikatlong palapag ng gusali. Nakatingin na nakangiti pa ang kapwa ko mag-aaral na nadadaanan ko. Kilala kasi nila ako rito. Sino ba naman ang hindi nakakakilala sa akin?

Yes, I excel academically. Ito lang din naman ang tanging maipagmamalaki ko na meron ako. Mahirap lang kami at nagsumikap lang din ako sa pag aaral.

Since I was in high school. I was already holding a scholarship in the title. I took a scholarship exam at different Universities in Bohol and Cebu. And with a luck on my sleeve, I passed a full scholarship to this University, the Cebu University. But I still have to pay the miscellaneous fee.

Iba naman kasi iyon. Kaya nag t-trabaho rin ako as part time sa isang sikat na food chain ng lungsod. At ngayon na patapos na ako ay kailangan ko ng bayaran ito.

"Betty!" si Jason. Nagtaka tuloy ako kung bakit napadpad siya rito sa departamento namin. E, engineering naman siya.

"Here. I have something for you." Sabay bigay niya sa supot ng rambutan. Tinangap ko na 'to at ngumiti lang din sa kanya. Umupo na rin ako sa gilid. Naghihintay pa ako sa susunod na subject. May thirty minutes pa naman.

"Harvest season na ba?" Kumuha na ako ng isa at binalatan ito. Tumango siya at umupo na siya sa tabi ko. Kumuha rin siya ng rambutan, binalatan at kinain ito. Natulala pa tuloy akong pinagmamasdan siya. Tumaas pa ang kilay ko.

"Akala ko ba akin 'to? Ba't makikikain ka?" pagbibiro ko.

"Share tayo." Bahagyang tawa niya.

"Umusog ka nga! Baka makita na naman tayo ni Maxine, ang girlfriend mong hilaw!" inis na tugon ko.

Natawa lang din siya. "Hayaan mo na siya."

Nilapag ko muna sa kandungan ko ang papelis na bigay sa akin ng accounting, at kumain ng rambutan. Mas masarap 'ata 'to kaysa sa problema ko ngayon!

"Ano 'to?" Sabay kuha niya nito. I was about to grab it but he lift it in the air. My whole body shifted and my brows crossed.

Kailan pa ba naging pribado ang buhay ko pagdating sa kanya? Hindi na 'ata?

Ang Jason na kababata ko. Ang Jason na lapitin ng mga babae noong high school. Ang Jason na makulit at playboy na kagaya ni Xander! Kainis lang din. Ano pa bang magagawa ko? Hala, sige basahin mo! Inis na tugon ng isip ko.

"Ang laki naman ng balance mo?"

"Alam ko!" Kuha ko sa papel sa kamay niya.

"Gusto mo bang tulungan kita?" pilyong ngiti niya.

Fall At Your Feet (DFM#1)✅ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon