Kabanata 14

8.9K 342 15
                                    


"Betty? What are you up to? Kilala kita! Hindi mo siya mahal, Betty."
-Jason-
🍀🍀🍀


Mood swing


MAAGA akong nagising at naglinis bago bumama sa kusina. Nauna na sina Papa at Nanay ng gising kasama ni Manang. Sila na rin ang nagluto ng umagahan. Napatingin pa ako sa labas ng kusina, nang mapansin ang isa sa mga bodyguards ni Drake dito. Bitbit niya ang tray ng kape para sa ibang mga kasamahan niya. Tumayo na ako at tiningnan ang mesa.

"Nay, ako ang magbibigay nito sa kanila." Kuha sa tinapay na ginawa niya. May palaman na ito.

"Sige, anak, tatapusin ko lang din ito."

Mabilis kong kinuha ang plato na puno nito. Nang makalabas ako, ay panay pa ang titig nilang lahat sa akin ngayon. Lumapit naman si Diego at nakangiti pa.

"Ako na Madam."

"Okay, lang. Saan ko ba ilalagay 'to?"

Tumayo na silang lahat na parang takot sa akin at umatras nadin. Nilagay ko ito sa mesa at napatingin pa ako sa kanilang lima. Nakatayo sila sa gilid at nakalinya pa. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano? Nakakatawa kasi ang hitsura nilang lahat. Para silang aso at ako ang amo. Ano ba 'to!

"Kumain na kayo," ngiti ko.

"Yes, Madam!" si Diego. Siya pa mismo ang naunang kumuha ng pagkain, at siya na rin ang nagbigay sa bawat isa sa kanila. Tahimik pa sila at wala 'atang gustong magsalita, kaya ako na ang nauna.

"Kumusta kayo kagabi?"

Nahinto silang lahat sa pagsubo at panay ang titig sa akin. Isa-isa ko silang tinitigan at halatang umiiwas sila nang titig sa akin Hanggang napako ang paningin ko kay Diego.

"Ah, o-okay naman po, Madam! Nalasing masyado ang iba, Madam. K-kaya n-nagkasakitan! Oo, nagsuntukan sina Elvin at si Berto." Turo niya sa dalawa.

Tumango na ako. Halata din naman kasi ang sugat sa mukha nilang dalawa.

"Nakisali ba si Drake sa gulo ninyo?"

Tumingin na ako sa kanilang dalawa, at napayuko lang din sila. Si Diego na naman ang sumagot dito.

"Ahm, o-oo, Madam! Si Boss Drake natumba lang iyon. Oo natumba, natumba lang, a-at tumama ang kamay niya sa semento! Tama!" Sabay tango niya, at tumango din lang ang lahat sa kanila.

Huh? Natumba? Talaga lang ha? Tsk, ibang klaseng tumba 'ata ah?

"Ginamot mo na ba sila, Diego?"

Nahinto si Diego sa pag-subo at napatingin ulit sa akin. Sa lahat kasi ng nandito siya lang din naman ang kumain na, dahil ang iba ay parang nahihiya sa harapan ko.

"Opo, Madam! Tapos na," aktibong tugon niya.

Tumango ulit ako. "Anong oras kayo natulog kagabi?"

Natahimik ulit sila at nag iwas na naman ng titig sa akin.

"O-oras? Hoy mga animal! Anong oras kayo natulog kagabi?" pasigaw ni Diego sa kanila. Napangiwi pa ako at ngumiti lang din siya.

"What happen here?" buo at matigas na boses niya.

"Boss!" si Diego.

Napalingon agad ako, si Drake ito. Nasa likod ko na siya ngayon.

His brow furrowed while looking at them. He never look at me. His eyes darted angrily at them. I swallowed hard when I saw his hand. It's almost clean.

Tumayo agad si Diego at yumuko kay Drake. I mean, hindi lang siya ang yumuko kay Drake, dahil silang lahat pa. Para silang nataranta nang makita siya. Sumenyas si Drake at pinagalaw lang ang leeg niya. Agad naman umalis ang lahat sa kanila at bumalik sa sariling pwesto. Nagtaka na ako, dahil hindi man lang nila nagalaw ang pagkain.

Fall At Your Feet (DFM#1)✅ Where stories live. Discover now