Kabanata 24

8.9K 365 5
                                    


"Wiped your tears, hija. A Del Fiore will only cry once. Take it all out with you. Para sa susunod kung makaharap mo ang Ama mo, ay wala na ng matitira pang luha sa mga mata mo."
-Eagle-
🍀🍀🍀

I've called Carmella. I need to talk to Tito Fernando. Gusto kong malaman ang tungkol sa ama ko. Gusto ko rin malaman ang kwento ni Mama. Kung ano man ang binabalak ni Drake, ay gusto kong malaman ito. Alam ko na may mga bagay na inililihim pa siya sa akin. Kung maghihintay ako na sasabihin niya, alam kong hindi rin niya sasabihin sa akin 'to.

"I'll pick you up, Betty. Hintayin mo lang ako," si Carmella sa kabilang linya.

Drake is out of town. He's in Catania. He told me its business, pero iba ang kutob ko. Mahigpit kasi ang seguridad sa bahay at mas dinagdagan niya ang mga bantay dito.

I can freely do things inside the mansion and around the garden, but I cannot go out. Hindi ko rin naman planong umalis at mag lakwatsa.

Naghanda na ako sarili at naghintay lang ako sa labas ng harden kay Carmella. Pagkaraan ng isang oras ay nakarating agad siya. Maririnig kasi mula rito sa harden ang bukas ng malaking gate ng mansion. Mas umayos na ako at humakbang na. Nakangiti naman siyang naglakad palapit sa akin ngayon.

"Ready?"

"Oo," ngiti kong balik.

"I have my escorts," turo niya sa gilid. Napalingon na ako, at kitang kita ko pa ang tatlong sasakyan na nakahinto sa likod ng sasakyan niya.

"Ba't pa kailan ng escort, Carmella?"

Nakakalito ang mga kilos nila. Nakakalito ang kilos ng mga tao sa paligid at pati na rin si Carmella ngayon.

"It's the peak season, Betty. Don't worry, masasanay ka rin. Ganito na talaga kami." Kidnat niya.

"Let's go! Naghihintay na si Daddy sa atin."

Tumango na ako at sumunod na sa kanya. Nauna na kasi siya nang lakad. Sa kotse niya ako at siya pa mismo ang nagmaneho rito. May nauna at may dalawang convoy na nakasunod sa amin. Hindi naman ma-traffic dito. Hindi katulad ng Pinas na mahinto talaga dahil sa haba ng traffic.

"Wala ka namang bodyguards, ah. Ba't kailan may convoy pa?"

"I don't like my bodyguards if I'm driving. Kaya nakasunod lang din sila. Kung ako lang masusunod, ay kaya ko naman mag-isa. Pero ikaw ang kasama ko, e," ngiti niya.

"Marunong ka ba ng self defence, Betty?"

"S-self defence? Hindi."

"I can teach you basic. Sa tingin ko kailangan mong matutunan ito. Importante ito para sa atin."

"Sige ba, gusto ko rin matuto."

Nagkwentuhan pa kami sa iilang bagay, puro kalukuhan nga lang ang laman ng kwento namin dalawa at puro lalaki ang labas ng bibig niya.

Nahinto na siya nang bumukas ang malaking gate sa harapan namin. Natahimik na ako, at mariin kong tinitigan ang kabuuan ng bahay.

The last time I was here it was all blurry. Hindi ko masyadong natitigan ang kagandan ng paligid dito.

Nahinto at lumbas siyang nauna at sumunod na ako. Nakalinya ulit ang mga bodyguards sa gilid. Nakayuko silang lahat kay Carmella ngayon. Nakasunod lang din ako sa likuran nila.

"Alam mo naasiwa ako sa mga bodyguards mo, at pati na rin sa mga tauhan ni Drake."

Nahinto siya nilingon ako.

"Masanay ka na nga." Sabay hawak niya sa braso ko.

Sabay na kaming naglakad at nagtungo sa may harden ng bahay sa likod.

Fall At Your Feet (DFM#1)✅ Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt