Kabanata 8

10.2K 414 19
                                    


"Will you still remember this tomorrow?"
-Drake-
❤️❤️❤️

Kiss


PARANG bulate ako na panay ang hila sa damit ko pababa. Ang eksi nito! Sobra! Hindi ako sanay sa damit na ganito. Nakaharap nga ako sa malaking salamin niya sa kwarto, pero panay naman ang hila ko sa damit.

"That looks so great on you. Oh my god! Ang swerte ni, Drake." Umiling pa siya habang pinagmamasdan ako. Siya na mismo ang naglagay ng make up sa mukha ko. I stand still in front of her. I'm trying my best not to move. Pero pakiramadam ko iiyak na ang mga mata ko dahil sa mascara na nilagay niya.

"Hindi ka sanay ano?"

"Hindi." Iling ko.

"That's okay. We'll gonna party more in Italy. Maraming gwapo roon at yummy!" Tili niya.

Napaawang lang din ang bibig ko. Ang baliw lang din ni Carmela, sobra.

Ganito ba talaga sila? Una si Diego, tapos si Drake na seryoso pero ang gwapo naman. Tapos si Jet na hindi palangiti, at ito si Carmela na mukhang spoiled brat pero mabait naman.

"Sasama ka sa Italy, okay? At least may kapatid na akong babae roon."

"H-ha?"

Italy? Ako pupuntang Italy? Wala 'ata sa usapan namin ni Drake ito ah. Napalunok na ako habang hinihintay na matapos siya.

"Ayan, tapos na! Let's go!"

Mabilis lang niyang nilagay ang make up set sa harapan ng mesa at kinuha ang sling bag niya sa gilid. Napansin ko rin na mamahalin ang bawat gamit niya na nandito. Humakbang muna ako sa harap ng malaking salamin para makita ang kabuuan ako.

"The heck! Ako ba 'to?"

Napaawang lang lalo ang bibig ko. Nagmuha akong prosti! Pero in fairness sosyal na prosti! Ang kapal ng make up na nilagay niya sa mukha ko. Hindi pwede 'to! Kinuha ko lang din ang wet wipes at binawasan ang lisptick ko at pati na ang make up sa mukha.

"Ayan okay na!" ngiti ko sa sarili, "tayo na!"

Kalalabas lang din niya galing ng banyo. Napansin niya agad ang ginawa ko sa mukha ko.

"S-sorry, m-medyo makapal kasi," kagat labi ko.

"Oh my, God! No, you look more mature and pretty! Let's go and party!!" Sabay hila niya sa akin.

Hindi ko alam kong anong kalukuhan ang alam ni Carmela. Pero napansin kong hindi siya basta-basta. Imbes na dumaan kami sa harap na bahagi ng bahay. E, sa fire exit kami lumabas. Nagtaka pa tuloy ako sa kanya.

"Carmela ba't dito?" Maingat na hakbang ko pababa.

"Mabuti ng dito dahil 'di tayo nakikita ni Kuya. Alam mo bang sobrang higpit niya. Masasakal ka talaga promise! Pero minsan pagbigyan mo na, ksp din kasi siya," ngiwi niya.

"KSP?"

"Oo, kulang sa pansin. Basta! One day I will tell you his secrets in life. Maiintindihan mo siya, at sobra 'yan magmahal. Kaso mukhang 'di pa 'yan nakakamove on kay Venette."

"Venette?" Kunot-noo ko.

"Oh, I forgot to tell you. I know the story behind why he has to marry you. Kaya huwag ka ng mahiya sa akin, okay? Tangap kita bilang sister-in-law ko," ngiti niya.

Nakababa na kami at agad na may taxi na rito. Nabigla lang din ako. How the hell did she manage all of this tricks. Seems like she knows everything so well.

Fall At Your Feet (DFM#1)✅ حيث تعيش القصص. اكتشف الآن