Kabanata 23

8.9K 352 17
                                    


"Gaano mo ba siya ka mahal, Drake? Hindi ka naman dating ganito. This is not you, Drake at hindi rin papayag ang Daddy mo! You're putting your life in danger, Drake!"
-Venette-
🍀🍀🍀


Tahimik kaming nakauwi ng araw na iyon, at naging tahimik din kaming dalawa ni Drake. Sapat na sa akin ang lahat, at hindi na mahalag ang ibang bagay pa. Hindi ko na rin nakita si Tito Fernando. I know they called him Eagle for a nickname. Naging tahimik din si Carmella pagdating sa usaping ama, kaya hindi na ako nagtanong pa.

The first two days was an adjustment after I knew whom my real mother is. Hindi pa ako muling dumalaw sa bahay ni Tito, dahil ayaw ko pa at gusto ko lang din na magpahinga.

Tinawagan ko na rin sina Nanay at Papa at pinaalam ito. Video call pa nga ang nangyari sa amin, at panay lang din ang pahid ng luha ni Nanay nang makita ako.

Ang akala ko matigas ang puso niya, pero mas mahina pala ang luha ng mga mata niya. Masaya sila na nakilala ko rin ang totong pamilya ko. I've never expected that my mom's family is pretty well-off. Hindi naman mahalaga sa akin ito.

Drake was busy with work too. Panay ang overtime niya sa kompanya. Hindi ko pa nga nadalaw ito, pero inimbita na niya ako noong nakaraang araw pa. But I want to surprise him today. Maaga kasi siyang pumasok, dahil may emergency raw na nangyayari. Kaya dadalawin ko na, para sabay kaming mananghalian dalawa,

"Alam ba ni Drake na pupunta ka?" si Carmella sa kabilang linya.

"Hindi. Surprise nga 'di ba?"

Isa-isa ko ng inayos ang mga dadalhin ko, at pinaalam ko lang din kay Carmella ito. Busy rin naman siya at hindi niya ako masasamahan.

"Okay. He will going to love these! I'm sure magugustuha ni Drake 'yan. Ano ipapakuha ba kita kay Jet?"

Jet is Drake's personal bodyguard. Higit niyang pinagkakatiwalan ito.

"Hindi na. Nandito naman si Diego. Siya na lang din ang maghahatid sa akin. Alam naman niya siguro kung saan ang opisina ni Drake 'di ba?"

"Oh yeah, Diego!" inis na boses niya.

Natawa na ako. Kahapon kasi gusto niyang isama si Diego sa kanya. E, ayaw ni Diego, kaya naiinis siya.

"Okay, I will tell his PA to let you inside his office. Para naman surprise talaga! And just call me if there's anything you want, okay? I would love to join you, but I'm so busy at the moment, Betty. May tinatakasan pa kasi ako." Mahinang tawa niya sa kabilang linya.

"Ganyan ka naman talaga, Carmella. Panay takas mo sa kanya. Mahuhuli ka rin niya," pabiro kong tugon.

She mentioned to me a couple of days ago about her ex fiancée. Hindi ko alam ang love story ng buhay niya, dahil halatang ayaw niyang magkwento tungkol dito. Pero sa nakikita ko ay magulo ito.

"Just send my regards to Drake, muawh!" Sabay patay sa tawag niya.

Napailing na ako. Ibang klase nga naman si Carmella talaga. She's funny, tough, bubbly and so careless. Iyan ang sabi sa akin ni Drake. Ganyan si Carmella, pero mabait naman daw siya.

Inayos ko ang lahat at tinulungan pa ako ni Esmee sa kusina. Naghintay na si Diego nang makalabas ako. Isang mensahi lang ang natangap ko mula kay Drake, at kanina pa iyon. Panay din ang tingin ni Diego sa cell phone niya.

"May hinihintay ka bang tawag?"

"Wala, Madam. E, baka tawagan ako ni Boss at magtatanong."

"Sabihin mo na lang na okay ang lahat."

Fall At Your Feet (DFM#1)✅ Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora