Kabanata 21

9.2K 343 17
                                    


"A mother's love will never end, it is there from the beginning to end."
❤️❤️❤️

Mama


Dalawang araw akong hindi lumabas sa bahay niya. Okay lang, marami naman akong ginawa dito. I took care some of the gardening area and also the kitchen. I ended up cooking a healthy meal for him and for myself. Hinayaan na niya ako, kahit na ayaw niya ay wala rin naman siyang magagawa sa kagustuhan ko.

But today was different because I woke up without him.

Nauna siyang gumising at inayos ko lang ang kama bago bumaba. Nasanay na ako na sa kusina agad magtungo. Pero imbes na sina Clara at Esmee, ay siya ang ankita ko dito. He's busy cooking. I stood behind him and talk.

"Are you showing up your skills to someone?" Humalukipkip na ako. Lumingon na siya at ngumiti na.

"Good morning, love." Halik niya sa labi ko.

Ang akala ko halik lang, E mas yumakap lang din siya ng husto sa akin ngayon.

"What are you cooking?"

"Something special for my wife."

Ngimiti na ako at muling hinalikan na naman niya ako ngayon. Hindi 'ata 'to magsasawa si Drake. He's doing it straight in a row, every night, and aims for us to get pregnant.

"Can I see?"

"Oh no. I want you to just stand here, love. Give me five more minutes okay."

Five minutes? Okay sige tingnan natin.

Bumalik na siya at tinitigan ko lang siya mula rito. Napako na naman ang mga mata ko sa tattoo ng likod niya. Naka-singlet kasi siya, kaya halata masyado ito at nakikita din ang braso niya.

Nang matapos ay tumulong na ako at inilapag ito sa kabila. Nagtaka na ako dahil wala rito and dalawang katulong niya sa kusina. Sila Esmee at Clara lang ang nakakapasok dito. Ang iba ay nasa labas na. May kanya-kanya silang trabaho at strict rules routines. Tama nga naman si Carmella, Drake is articulate when it comes to jobs and everything.

Kumain na kami at tinikman ko ang niluto niya. In fairness masarap naman. Mas masarap pa nga siya magluto kaysa sa akin.

"Is it good?"

"Yes, very good."

"What do you call this food?" nagtanong na ako. Hindi ko kasi maintindihan ito, parang fried rice na ewan. Pero masarap siya.

"My recipe, mi Betty Mi Amor."

"Ano?" Natawa na ako, ang korney na talaga ng asawa ko.

"Are you ready later?"

"Yes, hindi naman siguro nakakatakot ang Daddy mo ano? At hindi naman siya mamatay tao para katakutan ko," ngiti ko sa kanya, sabay subo na rin.

Hindi na siya umimik at tumango lang din sa akin. Mabilis ko lang din na tinapos ang kain at ganoon din siya.

Inihanda na niya ang lahat habang nagpalit na ako. Pagkalabas ko ng bahay, ay nakalinya na ang mga tauhan niya. Sa totoo lang naiilang ako sa kanila. Hindi ako kampante sa ganito. Pinagbuksan lang ako ni Diego at nilingon ko pa ang paligid.

"Nasaan si Drake?"

"May emergency kasi, Madam, kaya ako na ang maghahatid sa 'yo."

"Ah, okay."

Pumasok na ako at umikot lang siya sa driver seat area. Pinaandar ang sasakyan at pinatakbo na. Napansin ko rin ang nakasunod na dalawang itim na sasakyan sa amin ngayon. Ang mga extrang bodyguards ito.

Fall At Your Feet (DFM#1)✅ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon