Kabanata 26

8.2K 312 26
                                    



"Madam, I love you!" sabay nguso niya."
-Diego-
🍀🍀🍀


Ambush


"Madam, ito na po ang pinapabili n'yo!" Ngiti niya at mukhang excited pa.

Inabot ni Diego ang supot na inutos ko sa kanya. Sekreto pa ito at wala pa akong sinabihin nito. Ako dapat sana ang bibili nito, pero mahahalata lang ni Drake, dahil sasama iyon sa akin. Kaya si Diego na ang inutusan ko.

"Shut your mouth, Diego!"

"Opo, Madam!" Yuko niya at tumalikod na.

Kinabahan pa ako habang humakbang pabalik sa loob ng bahay. Umalis na si Drake. Maaga siya sa trabaho niya. He works early now and gets home early too. Alam kong busy na siya sa trabaho dahil sa bagong investment na pumasok sa kompanya nila sa Greece. Ang pagkakaalam ko ay si Henrix Mondragon ang bagong ka-sosyo nila sa negosyo.

Mga lalaki nga naman! I know the Mondragon. Matunog ang pangalan nila sa Pilipinas at sa boung mundo, lalong lalo na rito sa Italya, Greece at Amerika. Hindi ko lang inakala na pati sa negosyo ng mga Benevente ay nakapasok na ang mga Mondragon.

"Ang asawa ni Venette si Logan. He's a Mondragon, Betty," si Carmella sa kabilang linya.

"Oh, really?" Sabay sarado ko sa pinto ng kwarto.

"Yes, he's a Turner-Smith-Mondragon. They live like the kings. Mas decente pa sila kaysa sa atin!" Malakas na tawa niya.

My brow lifted. Yeah, I could hear her and she's drunk again. Ang aga-aga pa at lasing na si Carmella.

"Are you somehow broken, Carmella?"

Mas natawa na siya. "No, I'm just tipsy. I have to go, byeee!" patay sa tawag niya. Napailing ako sa sarili ko ngayon. Alas dyes pa lang ng umaga at lasing na si Carmella.

The heck! What's wrong with her?

Hindi ko na ito pinansin at kinuha ko na ang PT kit sa binili ni Deigo. Apat pa ang pinabili ko para makasigurado talaga ako ng tudo. I'm two weeks delayed and it's unusual for me. On time kasi ang menstruational cycle ko.

Ang lakas pa nang tibok ng puso ko habang hinihintay ang pag-gapang ng guhit nito. Hanggang sa lumabas ang dalwang linya at napangiti na ako!

God, I'm pregnant!

Hindi pa ako na kontento at nag-test pa ulit ako sa ikalawa, hanggang sa ikatlo na.

Okay, its all the same Betty! At talagang sigurado na ito.

Panay pa ang lakad ko sa silid at pabalik-balik lang din ako rito.

"Think, Betty! Why so excited!" saad ko sa sarili.

I'm so excited and I want to tell it to him right now. Kaya lumabas na ako ng kwarto at nagtungo sa kusina. I asked Clara and Esmee to prepare a pack lunch for two. Bibisitahin ko si Drake para sabay kaming mananghalian dalawa. And at the same time, I will surprise him with this.

Nang matapos sina Esmee at Clara ay inahanda ko naman ang sopresa ko. Nakapack lunch kasi ito at ang unang lunch box sa itaas ay nilagay ko ang mensahi sa kanya, kasama ang pregnancy test na positibo. Ito ang una niyang mabubuksan bago niya mabuksan ang iba, kaya ito talaga ang una niyang makikita.

Hindi tuloy maalis sa mukha ko ang ngiti ngayon, at mabilis kong inayos ang sarili. Ipinahanda ko na rin si Diego. Naghihintay na siya sa akin ngayon. Maingat ang hakbang ko palabas ng bahay. Ang maliit na sling bag ko lang ang dala ko at ang pack lunch na ginawa ko.

Fall At Your Feet (DFM#1)✅ Where stories live. Discover now