Kabanata 13

9.3K 368 14
                                    


"So, we are not a couple by heart? Okay, I nearly forgot... Ngayon lang din kasi ako nagkaroon ng akin sa boung buhay ko, na dala mo ang pangalan ko..."
-Drake-
❤️❤️❤️


Hurt


"From this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, till death do us part."

The wedding was so simple as it is. Kami lang din naman ang nandito, at ang Huwes na kaibigan niya. The food was catered too. Walang ibang bisita, maliban nga lang sa iilan na bodyguards niya na hindi pamilyar sa akin. Hindi ko alam kung saang lupa sila nanggaling. Para silang mga kabote na sumusulpot lang din.

"Smile everyone!" si Carmella. Yumakap agad siya sa akin at si Drake naman sa tabi niya. Panay ang picture ng photographer na mukhang gangster sa paningin ko, dahil sa dami ng tattoo sa kamay at gilid ng mukha nito.

"Smile, Madam Betty," tugon niya sa akin. Ngumiti na ako, pilit nga lang.

"Congratulations, Boss! We are expecting a little master soon," tugon ng isa sa kanila sa kanya.

Napangiwi pa ako nang marinig ito. Nakangiti naman si Drake sa kanila, at panay lang din ang picture taking nilang lahat. Umiling-iling na ako sa sarili.

Really, his friends are so weird. Anong klaseng circle of friends ba itong mga taong 'to? Mga negosyante din ba sila katulad ni Drake?

"Mrs. Del Fiore!" si Carmella ulit sa likod ko. Iniabot niya ang kulay ginto na envelop sa akin. Ngumiti akong tinangap ito at binuksan nadin.

"Ano 'to?" Tulala kong tugon habang pinagmamasdana ng package deals papuntang Europe.

"Honeymoon ninyo ni Drake. Iyan ang regalo ko."

"H-honeymoon?"

Tumango siyang nakangiti na abot langit. Naramdaman ko na lang din ang presenya ni Drake ngayon sa tabi ko. Napatingin pa ako sa kanya. Ang lawak pa ng ngiti niya, na abot hanggang tainga niya.

"What's this?" Kuha niya nito sa kamay ko.

"Surprise, Drake! Have fun touring around Europe okay!" si Carmella sa kanya.

"Pinaghandaan mo talaga?" Bahagyang tawa niya.

"Oo naman. E, nauna ka, so bigyan mo ako ng maraming pamangkin."

Napakurap na ako habang nakatingin kay Carmella. Nakangiti lang din si Drake. Umalis na agad si Carmella sa harapan namin. Nakisali siya sa kumpunan ng mga kalalakihan sa gilid.

"Are you good? Are we good?" ngiting titig niya.

"Oo naman. Ayan ikaw na magtago niyan." Binigay ko na sa kanya ang binigay ni Carmella na regalo namin.

"It's valid for two months. We have plenty of time. Gutom ka na ba? Nakahanda na ang pagkain."

Napatingin ako rito. Nandoon na kasi sila halos sa bandang iyon. Kumunot pa ang noo ko, dahil sa mga bagong bodyguards niya na sa tingin ko ay puro weirdo.

"Saan mo ba nakilala ang mga 'yan? Negosyante rin ba sila kagaya mo?"

Nagkibit balikat lang siya.

"They might look like a gangster to you, but trust me, love, they will die for you," matinding titig niya.

Natawa na ako. "Ang weird naman, ang baliw."

"Yeah, were all crazy. May ipinaglalaban kasi kami." Kindat niya sa akin.

Fall At Your Feet (DFM#1)✅ Kde žijí příběhy. Začni objevovat