Kabanata 16

9.6K 385 15
                                    


"Hugs were invented to let people know you love them, without having to say anything."
❤️❤️❤️

"Your always welcome, Drake. I'm your wife, after all, so please hug me if you need a lift from your loneliness..."
-Betty-

Hug


HINDI ko alam kong saan kami patungo, hanggang sa naging pamilyar sa akin ang eskinitang ito, sa Colon. Makailang ulit pa siyang pabalik-balik sa bawat eskinita hangganga sa huminto siya sa may dulong bahagi rito.

"May hinahanap ka ba, Drake?"

"Kaibigan ko noon. I'll see if I can still find him."

Lumabas ulit siya sa kotse at tinitigan ko na. Nakatingin siya sa bawat gilid. Masyadong maraming tao, dahil alas dyes na ng umaga. Alam ko rin ang lugar na ito, dahil dito ako noon tumira ng tatlong buwan bago lumipat sa dormitory na malapit sa campus.

Mahirap na masikip at magulo. Pero nasanay na ako sa ganitong mundo. Lumabas ako at tumabi na kanya. Napatingin pa ako sa sasakyan niya. Hindi 'ata magandang ideya na ito ang ginamit niya rito. Hanggang sa napansin ko ang isang lalaking nakangiti na lumapit sa amin.

"Boss!" tugon niya kay Drake.

"Here, take this." Sabay bigay ni Drake ng susi sa kanya.

Tumango siya kay Drake at umikot lang sa driver seat at umalis na. Iniwan na kami ni Drake rito.

Nilahangap ko pa ang hangin at nakangiti akong tiningnan ang kabuuan ng traffic sa dulo. Hanggang sa may naisip ko.

"Halika! Kain tayo ng balut, Drake!" Hila ko sa kanya.

Pero hindi siya natinag, at imbes na siya ang hilain ko ay hinila lang niya ako pabalik sa mga kamay niya.

"Hindi ako kumakain ng balut, Betty."

Napatingin pa tuloy ako sa kanya ngayon. Siya lang 'ata ang lalaking nakilala ko na hindi kumakain ng balut. Si Deigo, noong isang araw ang lakas kumain nito. Pinakyaw pa nga niya ang naglalako ng balut at lahat sila ay kumain. Tapos siya hindi?

"Bakit? Haven't you tried balut before?"

"Yes, I did, basta."

"Well, hindi ako sasama sa 'yo kung hindi ka kakain ng balut kasama ko," ngiwi ko sa kanya.

Sumeryoso naman ang mukha niya, pero maamo naman ito. Napatingin siya sa kabilang kalsada, na kung saan may nagtitinda rito nang iba't-ibang uri ng street foods.

"You can wait there and eat, I'll just check something here, okay?" Bitaw niya sa pagkakahawak sa akin.

"Ha? Ayaw ko nga!" Sabay hawak ko ulit sa kanya.

Napansin ko rin kasi ang tatlong babae sa gilid na panay ang tingin sa kanya. Talamak pa naman dito ang mga babaeng katulad nila. At mukhang foreigner pa si Drake. Hindi man niya sinabi sa akin, ay halata na kalahating Mexican at kalating Pinoy siya.

His tanned sun skin is beautiful, even though you can see more tattoos on his right hand. It blends beautifully with his skin colour.

Hindi naman kasi maputi si Drake, dahil medyo moreno siya masyado, pero dominante ang kalating mexicanong lahi niya. Lumapit ulit ako sa kanya at hinawakan ko ang braso niya.

"Sasama ako sa 'yo, ano ba!" Ngiwi ko. Napangiti lang din siya, at siya na mismo ang humawak sa kamay ko.

"Okay, let's go and we can try the street food later."

Fall At Your Feet (DFM#1)✅ Where stories live. Discover now