Kabanata 15

9.7K 401 24
                                    


"Love is like a butterfly. The more you chase it, the more it will elude you. But if you just let it fly, it will come to you."
🦋🦋🦋

Chase


NAKAUWI ako sa bahay na hatid ni Jason. First time niyang nakita ang bahay ni Drake. Gusto niya kasing malaman saan kami nakitira ngayon. Sa labas ng gate lang siya at hindi na pumasok. Kumaway na ako nang makaalis siya. Nabigla pa tuloy ako ngayon, dahil ang madilim na anyo ni Drake na sumalubong sa akin.

Seryoso ang titig niya at halata na hindi ito masaya.

"Ayaw mong magpahatid kay Diego, pero nagpapahatid ka kay Jason?" malamig na tugon niya.

"Ba't 'di mo pinapasok? Next time tell him to get inside. I would love to know him personally," inis na tugon niya at tumalikod na ito.

Nakakunot noo naman akong pinagmasdan siya. Ano bang problema ng mukong na 'to? Full moon nga talaga! Tsk!

"Galit ka ba?" Sabay sunod ko sa kanya. Patuloy lang din ang hakbang niya pero nahinto na rin at nilingon ako.

"No. I'm being friendly, Betty. Is Jason your-so-called a person that is close to your heart?" taimtim na titig niya.

Umisang hakbang ako patalikod, dahil humakbang na siya palapit sa aking ngayon. Napakurap pa tuloy ako sa tanong niya at umiling iling nadin.

"H-hindi, ah," mahinang tugon ko.

Bahagya siyang natawa, dahil siguro naramdaman niya ang pagkabigla ko. Sino ba naman ang hindi mabibigla sa estilo niya? Pa-fall siya minsan sa akin, pero minsan ang lamig din! Mas malamig pa 'ata kaysa sa yelo! Baliw lang din.

"Okay," seryosong titig at tango niya.

Mas napakurap ako ngayon at wala akong maintindihan sa gusto niya ipahiwatig sa akin. Hindi pa siya kumibo at nakatitig lang din. Kaya umiwas na ako at humakbang na.

"Are you free tomorrow night?"

Napahinto ako at nilingon ulit siya. Ngumiwi pa ako at umiling iling nadin.

"Hindi. . . Ihahatid ko sila Nanay at Papa bukas ng gabi sa pier."

Bukas na kasi ang uwi nila pabalik sa Probinsya namin. Alam kong sasama ang dalawang tauhan niya. Pero gusto ko rin talagang maihatid sila sa pier.

"What about this coming weekend?" Pamaywang niya.

This weekend? E, the day after tomorrow na iyon? Si Drake talaga! Papahirapan pa ang utak ko. Nag-isip ako saglit, at tumango na sa kanya. Wala rin naman akong gagawin sa Sabado, kaya okay na.

"Bakit? Ano bang meron sa weekend? Mamamasyal ba tayo?" ngiti ko.

Humakbang na siyang palapit sa akin at nakangiti pa. Kinabahan lang din ako. Hindi dahil sa natatakot ako, of course not! Hindi iyan ang punto ko. Kinakabahan ako dahil paiba-iba ang ugali niya. Baka ma in love ako sa kanya? Tapos baliw din pala! Hay naku ewan!

"Let's go for a date."

"Ha? D-date?" utal na tugon ko. Hindi ko naman inakala na magyayaya siya sa akin ngayon. Wala naman sa plano namin ang ganito.

"Yes, and I'm sorry for making things in a rush for you. I know you were left with no choice before. I'm sorry, love. . . Just give me a chance, Betty. Get to know me, I promise to be good to you," matinding titig niya.

"H-ha?" kurap ko. Napaawang lang din ang labi ko ngayon habang nakatitig sa kanya. Tagos sa puso ang sinabi niya, at ramdam ko ito ng lubos.

"Come one, sabay na tayo." Hawak niya sa kamay ko.

Fall At Your Feet (DFM#1)✅ Where stories live. Discover now