Kabanata 6

10.2K 383 13
                                    


"Why? Are you willing to give yourself to me if I want to fuck you?"
-Drake-
😆🤣❤️

Unreadable


 "May sugar daddy ba na mukhang hollywood action movie star?"

Kamuntik ko tuloy mailuwa ang ininom kong juice. Pauwi na kasi kami at naghihintay na lang din ng masasakyan.

"Talaga? Gwapo na siya na paningin mo?" Taas kilay ko.

"Oo naman. He's very ideal, Betty. Hindi mo ba nakikita?" Kuminang pa ang mga mata niya at ngumiwi na ako. Napansin ko agad ang pamilyar na kotse at huminto ito sa harapan namin dalawa. Iniluwa si Diego at nakangiting binuksan ang pinto ng kotse sa likod. Napahawak pa tuloy si Jane sa akin , sa braso.

"Diego?" Kunot-noo ko.

"Sorry po, Madam. Pero utos ni Boss."

"Sinong, Boss? Ang sugar daddy mo ba?" Bulong ni Jane sa akin. Tumingala na ako sa inis habang tinitigan si Diego.

"Ihatid muna natin si Jane, okay?"

Tumango lang din siya. Wala naman sigurong masama kung isasama ko si Jane sa kabaliwan ng buhay ko ngayon. Kaya pumasok na kaming dalawa at naupo sa likurang bahagi. Sinabi ko na rin kay Diego ang address ng bahay ni Jane. Hindi naman ito malayo rito.

"Huwag mong ipagkalat. I trust you," ngiti ko.

"Oo naman. Ikaw pa!"

"Ang gwapo rin niya." Bulong ni Jane sa akin.

Bahagya pa siyang natawa habang panay na titig kay Diego, kaya siniko ko na ang tagiliran niya.

Nang makarating kami sa kanto ng daanan kung saan siya nakatira ay nagpasalamat siya ng husto kay Diego. Kumaway na ako sa kanya at sumenyas ng tawag. Tatawagan ko siya mamaya. Umayos na ulit ako sa pagkakaupo. Nagtaka pa ako dahil hindi pa pinaandar ni Diego ang sasakyan, na parang may binabasa pa siyang mensahi.

"Madam Betty." Sabay bigay niya sa cellphone niya sa akin.

"Si Boss po," pagpatuloy niya.

"Ha?" Kunot-noo ko pero tinangap ko na ito. Tumikim pa ako bago ito nilagay sa tainga ko.

"Hello?"

"Can you meet me tomorrow here at home," lamig na boses niya.

"T-tomorrow?"

"Yes tomorrow, love."

Nanayo lang din ang balahibo ng marining ang 'love' ulit sa kanya. Ang korney lang din! Hindi ako sanay sa ganito, at totoo nga naman 'di ko rin siya type talaga.

Ewan ko kung bakit pumayag ako sa alok niya. Wala na nga akong choice sa buhay ko kaya kumakapit patalim na ako.

"Let's discuss something important," tugon niya.

"Oh, okay. Sige, pagkatapos ng rehersal na lang din."

"Okay." Patay niya sa tawag.

Binalik ko na ito kay Diego at pabalik lang din na inayos ko ang saril. Napatingin ako ngayon sa damit na binili niya na nasa gilid ko. I even calculated everything that I spent today with Jane. Mabuti na lang at hindi malaki ang nagasto ko, babayaran ko ito sa pang huling sweldo ko ngayong linggo.

MADALING natapos ang rehersal. Ito na ang panghuli at graduation na namin sa susunod na mga araw. Excited na ang lahat at pati na rin ako. Kamuntik ko pang makalimutan ang usapan namin ni Drake. Sasama sana ako kina Jason, pero nang makalabas kami ng gate ng unibersidad at nakita ko siyang naghihintay sa gilid, ay saka ko lang din naalala ito.

Fall At Your Feet (DFM#1)✅ Kde žijí příběhy. Začni objevovat