Kabanata 18

9.2K 377 22
                                    


"Because I have you. I have someone that's beyond money can't buy... I'm falling at your feet, Elizabeth Betty Luna..."
-Drake Lucas Del Fiore-
💝💝💝


Falling At Your Feet


I came back without him inside. I looked around and I couldn't see him. It doesn't matter! Mas mabuti nga ito, dahil hindi ako maiilang sa sarili ko. Umupo na ako at huminga na rin.

I want to sleep now. I think this is much better. I will just sleep and just ignored him. Magkukunwari na lang din ako sa sarili ko, at sana sa pag-gising ko ay nakalapag na kami ng Italya, para matapos na 'to!

As expected I slept well. We safely landed and got out. Dumaan pa kami sa immigration at saka nakalabas ng airport. Si Jet at Diego ang nagbitbit ng halos lahat ng gamit namin. Ang maliit na sling bag ko lang din ang dala ko, at ang maliit na hand carry ang kay Drake.

Namangha ako nang makita ang tatlong itim na sasakyan na nakalinya dito. Napayuko sila kay Drake at pinagbuksan kami ng pinto ng kotse. Pumasok na kami sa likurang bahagi. Natahimik na ako habang seryoso na siya ngayon.

Mas napaawang lang ang bibig ko nang makita ang lawak ng mansion ng bahay niya.

The heck! I never expected that Drake is like this. I know that he's got the money, but I never expected that it will be this frenzy.

Si Carmella agad ang sumalubong sa amin pagkalabas ng kotse.

"Welcome to Italy, Betty!" Yakap niya.

"Welcome to your new home!"

Ngumiti ako sa kanya at siya na mismo ang humawak sa kamay ko. Napatingin pa ako sa lahat ng mga lalaking nakatiim na damit na nandito. Lahat sila ay naka linya at yumuko pa. Lumingon ako kay Drake, at pormal ang pananayo nito. Kakaibang Drake ang nakikita ko ngayon sa kanya.

"Who are these people, Carmella?" Bumulong na ako.

Nauna kasi kami nang hakbang habang ilang metro pa ang layo ni Drake sa amin sa likod.

"Them? Oh, don't mind them. They're Drake's puppets," sa mahinang belong niya.

"Ha? Puppets?" Nalito pa tuloy ako at wala akong maintindihan sa sinabi niya.

"Come inside. Nagluto na ako, alam ko kasi na tanghali ang dating niyo dito. Nakakapagod ba ang biyahe?"

Tumango na ako at ngumiti lang sa kanya. Mas namangha ako nang makita ang loob ng bahay dahil sa kakaiba nitong desenyo. Lumingon ako sa likod ko. I'm hoping that Drake is behind me, but he's not. Hindi ko alam kung nasaan na siya ngayon.

"Sit here, Betty!"

"Wow! Ano 'to fiesta?"

"Sobra pa! I'm just happy that I have now a sister here," sa malawak na ngiti niya. Napatingin pa tuloy ako sa paligid. May dalawang katulong sa gilid na nakatayo. Umupo na agad si Carmella, at pasimpli akong naupo.

"T-tayo lang ang kakain? Si Drake, sila?" Lingon ko sa dalawang babaeng nakatayo sa gilid.

Sumenyas lang si Carmella sa kanila, at umalis agad silang iniwan kami.

"Don't worry about them, Betty. Drake will join us soon. Siguro may kausap pa. Kain na! Maaga talaga akong pumunta rito para maihanda ang lahat ng 'to, at pati na rin ang kwarto ninyo ni Drake."

"Ha?" Napalunok ako. Nahinto pa tuloy ako sa pagsandok ng paella sa harapan ko.

"You don't live here?"

Umiling-iling siya habang kumakain na.

"I live probably five kilometers away from here. Malapit lang."

Fall At Your Feet (DFM#1)✅ Where stories live. Discover now