Kabanata 3

10.8K 371 16
                                    


"I promise you'll be safe. Wala akong gagawing masama sa'yo."
-Diego-

Penpal


TULALA kong pinagmasdan ang pera sa ibabaw ng maliit na mesa. Nasa dorm na ako at tapos na ang trabaho ko. Kumain nadin ako kanina, kanain namin ni Jane ang pagkain na bigay ni Sir Diego. I don't know if it's formal for me to say his name. Pakiramdam ko naman kasi mabait siya. But I have this odd feeling between that person behind them inside the car. Medyo kakaiba ang pakiramdam ko sa kanya. Ewan ko ba!

Humiga na ako sa kama. Gusto ko sanang mag-isip pero blanko din naman ang utak ko. This five thousand pesos is my one month salary as a part time job. It can pay my dormitory rent and a little extra for my allowance. Gusto kong gamitin 'to pero nagdadalawang isip ako. Nagbabasakali ako na babalik siya sa trabaho, kaya 'di ko ginasto ito. Pero lumipas na ang tatlong linggo, hindi ko na siya nakita. Tumawag rin si Nanay, kaya pinadala ko na ang kalahati sa kanya para sa gamot ni Papa. At tinabi ko lang din ang kalahati. Kung makikita ko siyang muli, ay magpapasalamat ako ng tudo sa kanya.

WALA na ako masyadong ginagawa sa Unibersidad at puro practice na para sa graduation. Kahit na kasali ako sa rehersal ay hindi pa rin ako mapakali.

How can I be at peace when I can't even pay the remaining debt that I have? I even talked to our Department Dean, and he helped me by making a letter of reconsideration. Sana nga lang ma-approve ito.

Patapos na din ang part time na trabaho ko. Dalawang linggo na lang din at matatapos ko na ito. Anim na buwan lang ang kontrata ko at ayaw ko ng mag-renew. Plano ko kasi mag-apply ng ibang trabaho na naayon sa natapos ko.

I will do my review in preparing for the board licensure exam. I can fully accept tutorials for my allowance too.

Isa-isa kong inayos ang mga gamit ko sa dormitory. Malapit na ang graduation kaya't kaliwa't kanan na ang bawat gastusin. Nahinto ako sa ginagawa dahil sa tawag ni Nanay sa cell phone. Napatingin pa ako sa relo. Alas utso na ng gabi. Nakapagtataka lang din, dahil hindi naman tumatawag si Nanay sa akin ng ganitong oras. Madalas kasi sa umaga siya.

"Hello, Nay?"

"Betty, anak. Kumusta? Okay na ba ang lahat?" siglang boses niya.

"Okay naman po, Nay. Si Papa? Kumusta?"

"Okay lang, anak. Heto nagpapahinga na..."

Rinig ko pa ang pagtikhim ni Papa. Halatang nasa tabi lang siya ni Nanay ngayon.

"Luluwas kami para sa graduatio mo, Betty anak."

Napangiti ako. May lagpas dalawang linggo pa bago ang graduation ko. Napag-usapan na namin 'to ni Nanay at Papa noon. Alam kong gagastos na naman sila ng pamasahe. Pero huli na ito, dahil matatapos na ako ng pag-aaral sa kolehiyo. Hindi ko pa nga sinabi sa kanila na nakuha ko ang Cum Laude ng taon na ito.

"Sige, Nay. Susunduin ko kayo ni Tatay. Nagpaalam nadin po ako sa land lady namin na pansamantala dito kayo matulog ng dalawa araw," ngiti ko kahit na wala silang dalawa sa harap ko ngayon.

Anak, Betty. May hindi ka ba sinasabi sa amin ng Papa mo?"

Nahinto lang din ako sa pagligpit ng gamit at umupo na sa gilid ng kama. Kinuha ko ang cell phone at nilagay it sa tainga ko ngayon. Naka loud speaker kasi ito kanina.

"Ho? Na ano po, Nay?"

Okay, I haven't told them that I'm graduating as a Cum Laude. Iyon ba? E, 'di sasabihin ko na. Pinapakaba naman ako ni Nanay nito ng kong ano na!

Fall At Your Feet (DFM#1)✅ Where stories live. Discover now