Kabanata 30

8.7K 376 6
                                    


"Thank you for loving me, and taking care of Diego."
-Elizabeth Betty De Luna - Del Fiore-


Namulat ako sa ikalawang pagkakataon. Ang buong akala ko ay nasa langit na ako dahil sa panaginip ko kanina. Lahat kami ay nakaputi, at nakikipaglaro pa ako sa mga tao na naroon. Hanggang sa may tumawag sa pangalan ko, at naimulat ko na ang mga mata ko.

Hilong-hilo pa ang ulo ko at ang bigat ng tulikap ng mga mata ko ngayon.

"Betty. . ." boses ni Drake ito. Panay ang halik niya sa mga kamay ko ngayon, at nakangiti lang ako na pinagmamasdan siya. Ang iv dextrose agad ang sunod kong nakita. Nasa hospital ako, at naalala ko lang din ang nangyari.

"Si Papa?"

Hindi na siya nagsalita at mas napapikit-matang dinama ang palad ko sa mukha niya. Nanlumo na ang puso ko, at pumatak na naman ang luha ko ngayon.

Kailan ba matatapos ito? Ayaw ko na 'atang tumira rito, at gusto ko ng bumalik sa Pilipinas na kasama sina Nanay at Papa ko.

Bumangon na ako at inalalayan ako ni Drake.

"Are you hungry? Is there anything you like to eat?"

Umiling-iling na ako sabay punas sa luha ko. Siya na rin mismo ang nagpunas nito, gamit ang tissue.

"Si Diego?" paos na boses ko.

"He's okay. Nagpapagaling lang sa sugat niya."

Nakahinga ako nang malalim nang malaman na okay siya. Ang buong akala ko kasi ay patay na siya sa araw na iyon.

Sino ba naman ang mag-aakala? Ang swerte ko rin, dahil walang bala na tumama sa akin.

Mariin kong tiningnan ang kabuuan ko, wala naman akong sugat sa katawan. Ba't pa ako nandito?

"Uwi na tayo, Drake. Gusto ko ng umuwi." Iyak ko.

"Shush, we will be home soon. Magpahinga ka muna nang konti."

Umiling-iling na ako. "No, Drake. . . Ayaw ko na rito, ayaw ko na. . . I want to go back to the Philippines. Mas gusto ko pang doon ako tumira, kasama sina Nanay at Papa, at doon mismo sa probinsya," pagmamakaawa ko sa kanya.

Mariin niyang pinunasan ang luha ko at hinalikan ako sa noo.

"Okay, let's go home. I'll take you home." Matinding yakap niya.
Isang araw lang akong nanatili sa hospital at umuwi na agad kami. Hindi ko pa tuloy nadalaw si Diego, dahil naging abala ang lahat sa preparasyon nang libing ni Papa Miguel.

Ang lakas pa nang ulan sa burol niya. Nikikisabay ito sa agos nang luha ko.

Kung kailan ay nakilala ko na siya, ay nawala naman siya sa akin. Ang daya ng tadhana. Hindi man lang nakuhang ipahiram sa akin si Papa Miguel na kahit ilang araw.

Napuno ako nang sakit at bighati sa puso habang pinagmamasdan ang pagburol sa kanya. At nang matapos ito, ay naiwan kaming dalawa ni Drake. Nagtaka pa ako nang mag alay si Drake nang bulaklak sa katabing lapeda na nandito.

"Can you move here for a sec?" mahinang tugon niya.

Mariin niyang hinawakan ang tagiliran ko. Napatingin pa tuloy ako at binasa ang pangalan na nakaukit dito.

Mariam Castillanos? Mas nakuha ang atensyon ko nang mabasa ang kapareong pangalan niya, pero iba ang apelyedo nito. Huminga muna siya nang malalim bago nagsalita.

"Mama, this is my wife, Elizabeth Betty De Luna – Del Fiore."

Napatingin agad ako kay Drake at napatingin ulit ako nito.

Fall At Your Feet (DFM#1)✅ Where stories live. Discover now