Kabanata 29

8.3K 327 11
                                    


"Betty, anak, mahal na mahal kita. Masaya akong nakilala ka sa huling sandali ng buhay ko... Elisa..."
- Miguel De Luna-
🍀🍀🍀

Escape


Lumabas na siya at mas umiyak na ako. Pero nahinto rin ako sa sarili at nag-isip kung papaano makaalis dito.

Tumingin ako sa buong paligid at puro lubid lang ang nakikita ko. Napatingin pa ako sa paa ko ngayon na nakatali sa makakapal na lubid.

How can I get out? Masakit na ang kamay ko sa likod, dahil sa higpit na pagkakatali nila nito.

Pinagalaw ko ang dalawang daliri at abot ko ang magkabilang dulo ng tali.

Isang beses lang ako tinuruan ni Carmella nito noon, at sa Pinas pa iyon. Masakit na, masakit na masakit, but I'll see what can I do. Hindi pwdeng manatili na lang ako rito. I need to get out and escape. Mabuti na lang at maliit pero mataas ang daliri ko. Naramdam kong kaya kong tangalin ang kaliwa kong kamay. Kailangan ko lang 'tong hilain talaga. Pero masakit at tiyak magkakasugat ang balat ko. Pero bahala na!

Ilang beses kong pina-kot ang isang kamay para lumuwag nang konti ang pagkakatali nito.

I can do this! Kaya mo 'to, Betty! Isip ko.

Hanggang sa tuluyan ko nang natangal ito. Nakahinga ako nang mabuti, at mas nagmasid sa kanila. Dahan-dahan ko rin kinalas ang tali ko sa kabilang kamay pa. Hindi ko alam kung ilang oras na ako nandito. Pero naiihi na ako. Kung tatawagin ko pa sila ay mas lalong lalaki lang ang gulo.

Nang matangal ang tali sa kamay ay ang tali sa mga paa ko naman ngayon ang pinagkakaabalahan ko. Binilisan ko na 'to at agad na natangal ito. Mabilis akong tumayo at nagtago sa gilid. Mas kinabahan na ako, at panay pa ang tingin ko sa bawat gilid ng silid.

There's no other way to get out, but I have to get through the back way. Kaso baboyan nga naman dito. May tatlong baboy sa likod ng dingding na kung nasaan ako, at may maliit na butas ito. Kasya lang siguro ang maliit na katawan ko, at sa kulungan ng baboyan ang bagsak ko ngayon.

Bahala na! Kaya ko 'to!

Tamang tama lang ang pagkapasok ko sa butas at nakalabas na ako nang marinig ko ang putok ng baril mula sa labas.

I cover my ears straight away and hurriedly find my way out. Mabuti na lang at umatras ang tatlong baboy at tinitigan lang ako dito. Nahirapan pa tuloy ako sa pag-akyat, dahil mataas din ang kulungan nila. Pero dahil nasanay na ako sa pag-akyat ng puno sa probinsya ay sisiw lang din ito sa akin ngayon.

Ilang putok pa ng baril ang narinig ko sa labas, at mas tumakbo na ako. Ang dilim pa at wala akong makitang maayos sa hakbang ko. Hanggang sa may naapakan ako, dahilan nang pagkadapa ko sa lupa. Naisandal ko ang dalawang kamay ko. Napatayo agad ako at tiningnan pa ang bagay na ito.

"Ahh!!" Napasigaw ako sa sobrang gulat nang makita ang katawan ni Esmee rito. Tinapon lang nila ito sa bahaging damuhan na ito.

"E-esmee?" Habol hininga ko.

I covered my mouth and tried not to scream again. It's so horrible! And so disturbing to see her body laying there lifeless. Ang sama nila! Mga walang puso!

Tumakbo na ako nang mabilis. Tanging liwanag lang ng buwan ang ilaw ko sa bakanteng lote na ito. It's not even full moon and I couldn't see properly where am I heading too. Hanggang sa ilang putok pa ng baril ang narinig ko ngayon. Hanggang sa parang naging gyera na ito sa pandinig ko.

Tinakpan ko na ang tainga ko at mas tumakbo pa ako.

"Betty!"

"Ahh!!" Napasigaw ako at nanlaban sa kanya.

Fall At Your Feet (DFM#1)✅ Kde žijí příběhy. Začni objevovat