Kabanata 12

9.8K 370 7
                                    


"What if I'm one of them... Will you still marry me?"
-Drake Lucas Del Fiore-
❤️❤️❤️

Tattoos


PARANG ang bilis ng lahat ngayon sa akin. I have to go to school and get my school credentials and also, and I have to go to the wedding organizer's boutique.

Kilala ko pa naman ang kinuha ni Drake na mag organisa sa kasal namin. Siya lang naman ang nag-iisang sikat rito sa syudad namin. She's famous because of her family background. Hindi nga lang niya ako kilala.

Garden wedding at kami lang din, at walang espesyal na bisita. The wedding will be next week. Si Drake na mismo ang gumawa ng lahat. Bahala na muna siya! Tutal siya naman ang gusto ng kasal na 'to. Eh ito naman ang hinihingi niyang kabayaran sa lahat. Mas mabuti na siya na rin ang mamamahala sa lahat ng ito.

"Are you coming with us, Drake?" si Carmella sa kanya.

"I'll be there soon. I have some important things to do first. I'll catch up."

Napatingin lang ako sa kanya. Si Diego ang driver namin, as usual siya naman talaga. Sasama si Carmella sa akin sa school, at sabay na kami papunta sa boutique. Gusto niya kasing makita ang campus dito. Na-iintriga raw kasi siya.

"Let's go! I can't wait." Takbo niya patungo sa kotse.

Nilingon ko lang din si Drake na ngayon ay seryosong nakapamulsa habang pinagmamasdan ako.

"Okay. I'll see you later." Talikod ko.

"You forgot something, Betty," matigas na tugon niya.

"Ano?" Sabay lingon ko. Tinaas ko pa ang kilay ko.

Humarap ulit ako at maingat naman siyang humakbang palapit sa akin.

"This," Sabay halik niya sa pisngi ko. Kumunot lang din ang noo ko at naguguluhan sa inasal niya.

"Ano 'to, Drake?" Ngiwi ko.

"Get used to it, your parents are here, love," mahinang bulong niya.

Napalunok na ako nang makita sa likod niya mga magulang ko. Pababa na sila, dahil mauuna na silang magpasukat ng damit. Tumikhim at umayos na ako. Agad kong inangat ang mga kamay ko, at yumakap nang tudo sa leeg niya.

"Ganito ba? O, mas gusto mo itutudo ko na?" inis na tugon ko sa tainga niya. Mas nabigla pa ako nang yumakap siya nang husto.

He wrapped his arms around me tightly and squeezed my body.

Gumapang lang ang init sa katawan ko at nanayo pa ang mga balahibo ko.

My, Dod! Ganito pala ito? My goodness, Drake! Sigaw ng isip ko.

Ang boung akala ko ay tapos na dahil bahagya na akong bumitaw sa kanya. E, hindi pa pala, dahil mas diniin lang niya ang mukha niya sa leeg ko at mas yumakap siya nang tudo.

"Sh*t, Drake!" Mahinang tulak ko.

I don't understand this. It feels like my whole body trembles for something. Nanghina lang agad ako sa kanya, kaya tinulak ko siya nang bahagya. Ngumiti lang din siya sa akin.

"Be careful about what you wish for, love."

"Ewan ko sa 'yo! Mauna na ako!" Sabay talikod ko.

Imbes na lumingon pa ako kina Nanay at Papa, ay hindi na nangyari ito. Dahil parang nanginig lang ang tuhod ko at nagmamadali akong pumasok sa kotse. Napamura pa tuloy ako ng makapasok dito.

"Ang sarap ng eksena ah," si Carmella sa malawak na ngiti niya. Hindi ko na siya nilingon at mabilis kong inayos ang sarili ko. Pinaandar na ni Diego ang sasakyan at nilingon ko na rin sina Papa. Papasok na sila sa isang kotse. Si Jet ang makakasama nilang dalawa.

Fall At Your Feet (DFM#1)✅ Where stories live. Discover now