Kabanata 7

10.3K 382 6
                                    


"See that, Drake? Hindi pa naman kayo mag-asawa para pagbawalan mo."
-Carmela-
🌟🌟🌟

Step-sister



IMBES na ako mag-isa ang susundo kina Nanay at Papa ay na windang na naman ako sa presensya ni Diego sa likod namin. As much as possible, I don't like someone that is looking after me. Hindi ako sanay na may isang tao na hindi normal sa paningin ko at palaging nakasunod sa akin.

"Good Morning po, Madam," si Diego. Yumuko siya at nagbigay galang sa mga magulang ko. Ang lawak pa talaga ng ngiti niya.

"Ihatid ko na po kayo, Madam."

"Kilala mo ba siya anak?" si Nanay.

"Magandang umaga po sa inyo. I'm Diego at your service." Sabay yuko niya sa mga magulang ko.

Natulala sina Nanay at Papa sa inasal niya. Hindi tuloy ako nakapagsalita si Papa nang kunin ni Diego ang maliit na maleta na bitbit niya. Kinuha rin niya ang mga bitbit ni Nanay na bigas at prutas, at nauna pa siyang naglakad sa amin. Natahimik lang din ako.

"Alalay po siya ni Drake. Tagabantay ko," wala sa sariling tugon ko.

"Ganoon ba, anak? Okay lang, si Drake naman pala," ngiti ni Papa sa akin.

Sumunod na kami sa kanya. Humawak pa ako nang husto sa magkabilang braso ng mga magulang ko, at nakangiti na tinitigan silang dalawa.

"Ang laki pala ng Cebu ano?" si Nanay.

"Hindi ba nakapunta ka na rito noon, Cecelia?" si Papa kay Nanay.

"Oo, pero noon pa iyon at ang dami ng nagbago."

"Ipapasyal ko kayo, Nay, Pa, pagkatapos ng graduation."

Naghintay lang din si Diego sa amin at pumasok na kami sa kotse. Nasa likod ang mga magulang ko habang nakaupo ako katabi ni Diego. Inabot niya sa akin ang cell phone na ipinagtataka ko.

Okay, wala na pa lang nakapapagtataka dahil si Drake lang din naman ito! Sino pa nga ba?

"Love, your parents can stay here for the meantime. Hindi 'ata kayo magkakasya sa dormitory mo," si Drake sa kabilang linya.

"Drake, magkakasya kami, okay. Magkakasya kami dahil sanay naman kaming nakahiga na nakaupo!" Ismid ko.

"What did I say, Betty?"

"Follow your rules?" Sabay tingin sa koko ko sa kamay.

"Exactly, and besides, kilala na ako ng mga magulang mo. I'm expecting you tonight, love." Patay niya sa tawag.

Huminga na ako nang malalim at ibinigay na ito kay Diego. Napatingin pa ako sa kanya na ngayon ay panay ang ngiti sa mukha. Tahimik naman sa likod ang mga magulang ko, at alam kong nagmamasid lang din sila. Panay pa ang tingin nilang dalawa sa labas ng bintana.

Ang inosente nga naman ng dalawang ito at halata masyado. Pero proud ako sa dalawang taong ito, dahil sila ang inspiration ko sa buhay.

Nang makarating kami ay pumasok si Diego sa loob ng dormitoryo. Siya na mismo ang nagbibit ng lahat. Sayang naman ang pagiging maskulado niya kund 'di niya gagamitin ito. Kahit papaano ay may silbi naman palagi si Diego.

"Madam, sa labas lang ako. If you need my help just call me and I'll be there," sa baliw na ngiti niya.

Napangiwi na ako at tumango na rin sa kanya. Umiling pa ako habang pinagmamasdan siya.

"Mukhang astig ang kaibigan ni Drake, anak," si Papa.

"Hindi lang 'yan astig, Pa. Kung 'di baliw rin." Iling ko.

Fall At Your Feet (DFM#1)✅ Where stories live. Discover now