Kabanata 4

11.1K 429 37
                                    


"I can give you anything you want, Love... Money, fame, name it? You can have all of it, just be my wife."
-Drake-
❤️❤️❤️

Offer


TAHIMIK lang din si Diego na nagmaneho at gayon din ako. Nakabibingi ang katahimikan at parang umurong lang din ang dila ko. Hindi na tuloy ako makapagsalita. Panay pa ang tingin ko sa labas ng binta ng kotse.

I'm trying to memorize every trademark around the area. I would be lying to myself if I don't feel nervous because my heart is beating so much in fear.

Nabaliw na ka na ba, Betty? Ba't ka sumama? Ang talino kong tao, Cum Laude pa, pero ang tanga lang din pagdating sa ganitong bagay! Na praning na siguro ako kanina. Tumikhim na ako para magsalita.

"Um, malayo pa ba tayo, Diego?"

Hindi na siya nagsalita kaya kinabahan na ako, at para mawala ang kaba ko ay nagsalita ulit ako sa kanya.

"Taga-saan ka ba, Diego? Ako kasi taga Bohol, probinsya ng San Miguel," sabay lunok ko.

"Taga Italya, Madam," tipid na tugon niya. May kong anong kumalabit sa puso ko ng marinig ang Italya sa kanya.

What the - don't tell me? Mas kinabahan lang din ako ngayon at mas napalunok na. Napansin ko na papasok kami sa isang ekslusibong subdivision ng syudad. Tanging mga mayayaman lang ang nakatira rito at ang iba ay may mga posisyon sa goberyno.

The heck, ano ba 'tong pinasok ko?

Napayuko na ako at pasimpling kinuha ang cell phone. Nag send ako ng mensahi kay Jason. Mabuti na lang at may free data, na kahit wala akong load ay makakapag send pa din ako ng mensahi sa kanya. Binigay ko ang location ko sa kanya.

Pero ano pa nga ba ang maasahan ko sa isang playboy na Jason? Madalas hindi niya binabasa ang mga mensahi ko. Pesti lang din ah!

Nahinto ako nang makita ang lawak ng harden nang makapasok kami sa malaking gate. Naalala ko, ganitong ganito talaga ang nakita ko sa magazine na bahay ng mga mayayamang tao, mala palasyo ang lawak ng bakuran.

Nakahinga lang din ako nang huminto na sa pagmaneho si Diego at agad na lumabas ng sasakyan. Pinagbuksan niya agad ako.

Nalibot ko pa nang tingin ang kabuuan nito. Nasa pinakatuktok kasi ang bahay na ito, at nang lumingon ako ay kitang kita ko ang bawat bahay sa baba. Napapalibutan naman ng mga malalaking puno ang bakuran dito. In fairness parang wala ako sa Cebu, at parang nasa ibang bansa ang bahay na 'to.

"Pasok po tayo, Madam."

Sumunod lang din ako sa kanya. Medyo gumaan na ang pakiramdam ko ngayon. Inisip ko kung masamang tao si Diego kanina pa sana niya ako pinakitaan nito. Pero wala naman, mukhang okay naman siya.

Maingat lang din akong humakbang sa bawat hagdanan papasok sa malaking pinto ng bahay. Mula sa loob ay may isang lalaki nag nagbukas nito. Pormal ang tindig niya at matigas ang guhit ng pagmumukha nito. Bahagyang yumuko siya sa akin at ngumiti lang din ako sa kanya.

"Sige, Jet, sa labas muna ako," si Diego sa kanya.

Tumango siya kay Diego at agad akong napalingon kay Diego ngayon. Kumunot pa ang noo kong tinitigan siya. Tipid lang din siyang ngumiti sa akin.

"Dito po tayo, Madam Betty."

"Ha?"

Ang weird nila ba't panay Madam ang tawag sa akin. E, 'di naman ako mukhang Madam ano? Mukha na ba akong kwarenta para gawing Madam? E, halatang mas matanda pa sa akin ang mga mukong na 'to!

Fall At Your Feet (DFM#1)✅ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon