Kabanata 9

10.1K 376 9
                                    


"You know I've kissed a lot of frogs to find the lips of my frog prince. E, kaso wala pa, hindi ko pa mahanap ang labi niya."
-Carmella-
🍀🍀🍀

Frog Prince


RINIG ko ang pag-uusap ni Diego at Drake sa kabilang linya.

"Yes, Boss, nandito po, Boss. Pauwi na po kami, Boss. Okay," si Diego.

Mariin ko lang ding sinubsob ang mukha ko sa kabilang upuan. Nasa likurang bahagi kasi ako ngayon.

After the kiss, I walked away from him. I felt so ashamed to the extent that I couldn't bear to get back inside the club. Mabuti na lang at nasa labas si Diego.

Nang makarating sa bahay ay agad na lumabas na ako ng kotse. Hindi ko na hinintay na pagbuksan pa ako ni Diego. Nagpa ekis-ekis pa tuloy ang hakbang ko. Mabuti na lang at nakapaa na ako ngayon, dahil naiwan ko lang din naman ang heels ni Carmela kay Drake.

Alam kong tulog na sina Nanay at Papa, dahil madilim na ang hallway sa bahay ni Drake at tahimik na ang lahat. Nasa itaas naman ang kwarto ni Carmela, and I'm sure its locked. Hindi rin ako makakapasok doon. Napalingon na ako sa paligid. Madilim na at ang ilaw na lang din sa may kusinang bahagi ang bukas. Napatingin ako sa sofa na nandito sa sala at humakbang palapit dito.

"Okay, I can sleep here and I don't care!"

NAGISING ako at dama ang malambot na kama. Para akong nakahiga ako sa ulap sa sobrang lambot nito. Napangiti pa ako at mas dinama pa ito ng bawat paa ko.

I feel like I'm dreaming, I'm dreaming that I'm floating in the air together with the clouds.

Ang ganda naman ng panaginip na ito! Ayaw ko na 'atang magising... Kumunot ang noo ko ng maramdaman ng kamay ko ang isang mainit na braso sa likuran ko.

Oh my God! My graduation day!

Para akong zombie na agad napabangon galing sa pagkakahiga. Namulat ko ang mga mata at nilibot ko agad nang tingin ang kabuuan ng kwarto. Napakunot noo pa tuloy ako.

"The heck, Drake?!" Nataranta ako nang makita siya sa gilid ko, katabi ko siya sa kama. Umusog ako at naging dahilan ng pagkahulog ko sa sahig.

"Sh*t! Aray!"

Tumama kasi ang ulo ko sa bed side table na nandito. Ang sakit lang din ah! At napatingin agad ako sa orasan na nasa ibabaw nito. It's six o'clock in the morning. I thought I'll be late for the graduation. Hindi pa pala.

"Are you okay?"

Nagulantang agad ako sa mukha niya. Napapikit mata pa ito. Halatang nagising dahil sa nilikhang ingay ko. Napako pa ang paningin ko sa katawan niya. He's somehow half naked. I swallowed hard when I saw the back of his muscles. It's full of tattoos! Nanlaki lang din ang mga mata ko at kinilabutan pa ako.

"What the - Drake!" inis na tugon ko. Mabilis akong tumayo at napatingin sa sarili ko.

The hell! Who changed me? Ba't nakadamit na ako nito!?

I feel like I want to throw tantrums in front of him but I hold my temper. Baka mali nga naman ako at nag-assume lang din!

"Did you changed my top? Ikaw ba nagpalit sa damit ko, Drake?!"

Napatingin pa ako sa loob ng malaking damit na suot ko ngayon. Kulang na lang lalabas na ang puso ko sa dibdib, nang makita na wala akong suot na bra at tanging panty lang din.

"Sh*t Drake!" Sabay tadyak nang mga paa ko sa inis.

Natawa lang din siya at mas sinubsob lang ang mukha sa kama.

Fall At Your Feet (DFM#1)✅ Où les histoires vivent. Découvrez maintenant