☢️ CHAPTER 37☢️

9K 272 15
                                    

AN: Short chapter lang po muna ito😁😅✌️🥰

---

“So damn it and just let me in.” seryosong dagdag ni Krypton at nai-imagine ko ang seryosong mukha niya.

I crossed my fingers hoping that Alee will stand her ground. Hindi pa ako handang harapin si Krypton at maalala ang sakit na dulot ng ginawa niya.

Parang nabasa ni Alee ang nasa isip ko kaya hindi siya nagpatinag. “If she wants to see you, she’ll be the one to find you.”

Hindi ko makita ang reaksyon ni Krypton pero natahimik siya. Without another word, Alee shuts the door fast enough.

“F*ck!” dinig naming kumalampag ang kamay ni Krypton sa pintuan. “Twilight?! I know you’re in there! Twilight, please!”

Humarap si Alee sa akin at nilapitan ako.

“Thank you, Alee.” Mahinang sambit ko sa kanya pero nagulat ako nang bigla siyang umupo sa sofa na parang nanginig bigla ang mga tuhod niya.

“Phew!” marahas siyang napabuga ng hangin. “Pakshet naman, Twilight, nakakatakot magalit ang jowa mo.” Napapaypay siya sa sarili niya. “Kung nakita mo lang kung paano niya ako tinignan ng masama, grabe! Muntikan na akong mahimatay sa takot.”

Nako-konsensya tuloy ako dahil nadamay pa si Alee sa away namin ni Krypton.

Hindi ko tuloy alam kung anong mararamdaman ko. Bakit niya ako hinahanap ngayon kung kagabi ay ayaw niya akong kausapin? Doon na lang siya sa bababeng kasama niya kagabi. Aissh.

“Twilight, please. I know you’re in there! Can we please talk?” patuloy na sigaw ni Krypton sa labas.

“Let me see you at least.  .  . please.”

Ilang minuto siyang kumakatok at nagmakaawa pero hindi ako nagpatinag kahit na bakas sa boses niya ang desperasyon. A part of me wanted to just open the door and talk to him. Pero mas nag-uumapaw ang sakit at pagmamataas ko sa sandaling ito. Gusto kong maramdaman niya ang pakiramdam ng sinasadyang hindi kinakausap. I know it's childish but I couldn't help it.

Iniwan ako ni Alee sa sala at hinayaan akong pakinggan ang mga daing ni Krypton pero pagkalipas ng ilang minuto, biglang tumahimik sa labas.

I waited for a few minutes but it seems like he’s gone already. Hindi ko mapigilang makaramdam ng kaunting pagkadismaya. Did he give up already?

Napailing ako at pinagalitan ang sarili. Ang gulo ko.

“Umalis na siya?” tanong ni Alee nang bumalik siya sa sala at nakaligo na.

Napabuntung-hininga ako at tumango.

“Yaan mo muna ‘yun, Twilight. Anyway, nagpadeliver ako ng pagkain natin. Tinatamad akong magluto ngayon.”

“Hindi ka naman talaga nagluluto.” Direstsahang sabi ko sa kanya dahil totoo naman na puro siya take-out ng pagkain. Pareho lang kami na tamad magluto.

Nang dumating ang pagkain namin, si Alee ang nagbukas ng pinto at kinumpirmang wala na si Krypton sa labas at mukhang umalis na.

Abala kami sa paglabas ng idineliver na pagkain para ilapag ang mga ito sa mesa nang biglang tumunog ang phone ni Alee.

Kumunot ang noo niya at pinakita sa akin kung sino ang tumatawag. Ang Chief namin sa Radiology Department, si Sir Clark.

Kinabahan tuloy si Alee pero nagkibit-balikat lang ako. Baka naman may tatanungin lang si Chief kay Alee tungkol sa trabaho.

“Hello po, Chief.” Bati ni Alee. “Good morning din po.  .  .Opo, andito po, kasama ko po siya.”

Kumunot na ang noo ko dahil ako lang naman ang kasama ni Alee sa oras na ito.

Passionate Obssession [R-18 SPG] Where stories live. Discover now