☢️ CHAPTER 10☢️

13.1K 293 11
                                    

Seryoso ang mukha ni Krypton at parang nagliliyab ang mga mata niyang tumingin kay Kent sabay sabi ng, “I’m here to fetch my girlfriend.”

Kung hindi ako nagkakamali ng pandinig, it looked like Krypton said it through gritted teeth at binigyan emphasis ang 'girlfriend'.

Bumaling siya sa akin at ngumiti pero hindi abot sa mga mata niya. "Care to introduce me to your companion here?"

Nagdadalawang-isip ako at hindi ko alam kung bakit pero biglang tumayo si Kent at inilahad niya ang kamay niya for a handshake. "Kent Villanueva."

Tumingin ako kay Krypton and something flashed in his eyes before he accepted the handshake. "Krypton Knight Ferrante, Twilight's boyfriend."

Aissh.

Sinulyapan ko si Kent at halatang nagulat siya.

Pagkatapos nilang maghandshake, bumaling sa akin si Krypton.
“Love, let’s go. You need to rest.”

Huminga ako ng malalim. Ayoko sanang magalit ngayon dahil isang napakagandang pangyayari ang nasasaksihan ko sa oras na ito sa pagkita namin ni Kent pero sadyang pa-epal itong dumating.

"Krypton," mahinahon kong sabi sa kanya kahit gustung-gusto ko na siyang sigawan dahil sa paninira niya sa moment namin ni Kent. "may pag-uusapan pa kami ni Kent. I can go home on my own pagkatapos nito."

Tinitigan niya lang ako as if daring me to give in and let him take me pero hindi ako nagpabigay at seryoso ko siyang tinignan.

Sa katahimikan na bumalot sa amin, biglang sumabad si Kent. "Okay lang Twilight. Naiintindihan ko, tama si Krypton, kailangan mo nang magpahinga. Atsaka may trabaho din ako kaya kailangan ko na din umalis."

Hindi ko maitago ang lungkot na naramdaman ko sa sinabi niya. Dismayado akong tumingin sa kanya. Gusto ko pa man din siyang makakwentuhan ng mas matagal.

"Ah, ganun ba?" malungkot kong saad.

"Huwag kang mag-alala, Twilight. Bibisita ulit ako bukas, kung okay lang sayo."

"Syempre naman, Kent. Bukas ul−"

Napahawak si Krypton sa kamay ko at pinisil ito kaya tinignan ko siya. His eyes darken at napaigting ang kanyang panga.

"I'd appreciate if you would stop that, Mr. Villanueva." matigas na saad ni Krypton na may halong pagbabanta sa boses niya.

Nahihiya akong tumingin kay Kent. Mukha tuloy siyang hindi komportable. Tinanggal ko ang pagkahawak ni Krypton sa kamay ko at lumapit sa kanya kay Kent.

"Kent, pasensya ka na. Huwag mong pansinin ang sinabi ni Krypton."

Ngumiti si Kent. "Okay lang, Twilight. Magpahinga ka ng husto pag-uwi mo ha?" Tinapik niya ang balikat ko. "Sige, mauna na ako. See you!"

I wave goodbye at him bago humarap kay Krypton.

"Krypton, ano bang problema mo? Alam mo bang napaka-importante para sa akin ang pagkikita namin ni Kent ngayon? And you just ruined it." I glared at him pero nakatingin lang siya sa balikat ko kaya napakunot ang noo ko. May dumi ba sa balikat ko? Wala naman.

Napaawang ang bibig ko nang bigla niyang tinapik-tapik ang balikat ko na parang may inaalis na dumi.

"I hate it that he touched you here."

What the.  .  .

"Krypton.  .  ." Napahawak ako sa sentido. He's unbelievable. Hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko sa kanya. Kinuha ko na lang ang gamit ko sa inupuan ko kanina at naunang lumabas ng cafe.

Passionate Obssession [R-18 SPG] Where stories live. Discover now