☢️ CHAPTER 46☢️

9.1K 300 12
                                    

Parang nahihiwa ang puso ko habang nakatitig sa mga mata ni Krypton na puno ng hindi maipaliwanag na kalungkutan at  sakit.

Magsasalita na sana ako nang bigla siyang yumuko at bumulong, “Go away.”

I froze.

Itinataboy niya  ba ako? He doesn't want me anymore?

Napaawang ang labi ko at hindi makapaniwala sa narinig ko. “K-Krypton.  .  .”

Hindi niya ako pinansin at inilapit ang isang bote ng vodka sa bibig niya pero bago niya pa ito tunggain, inagaw ko ang bote mula sa kanya.

“Krypton, tama na please. You need to—”

“What I need is my Twilight.  .  ." mapait niyang sabi at napaigtad ako.

“Twilight,” basag ang boses niyang bulong sa hangin. “I need you.  .  . Please come back.”

Kumunot agad ang noo  ko at naguluhan ako sa kanya. Kanina lang tinataboy niya ako pero ngayon tinatawag niya ako.

Dahan-dahan kong hinawakan ang balikat niya pero agad niyang tinabig ang kamay ko. “Don’t touch me. Si Twilight lang pwedeng manghawak sa akin.”

Oh.

Hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko. Kinikilig ako at natatawa na ewan. Gaano ba kadami ang nainom niya at hindi na niya ako mamukhaan?

A stab of pain sliced through me as I realize he must have been so hurt that he drowned himself with liquor to the point that he cannot make out my face.

“I want to see her.  .  .” mahinang bulong niya na muntikan ko nang hindi marinig sa sobrang hina nito.

“Bakit hindi mo siya tawagan?” tanong ko sa kanya. I’ll play along and pretend I’m not Twilight.

Huminga siya ng malalim at ginulo ang buhok niya. “I—I really want to call her right now .  .  . but I’m scared she won’t answer my calls.”

Oh, Krypton.

“I also don’t want to pressure her by calling so I just texted her hoping she might read them.”

Nabasa ko lahat, Krypton.

“I didn’t know I was suffocating her.  .  . I thought everything was going well.  .  .” napatingala siya sa kisame at napapikit.

“She’s everything I’ve ever wanted.  .  . my girl.  .  . my Twilight  .  .  .”

Nahigit ang hininga ko habang nakikinig sa mga sinasabi niya. He’s pouring out his pain and my heart throbbed with every word he uttered.

Tinakpan niya ang mukha niya at marahas na bumulong, “F*ck, I miss her already. I’m going insane without her.”

Napalunok ako at pinigilan ang mga luhang nagbabadyang mahulog. Ramdam ko ang pagkabalisa sa boses niya.

Ilang minuto siyang tumahimik at hindi gumalaw kaya akala ko nakatulog na siya.

“Krytpon,” mahinang tawag ko sa kanya. “Kailangan mo munang magtanggal ng damit, basa ang suot mo.  .  .”

Isang buntong-hininga lang ang sinagot niya sa akin at hindi siya gumalaw.

“Krypton, masasaktan si Twilight ‘pag nakita ka niyang nagkakaganito.” Totoo dahil isang hindi maipaliwanag na sakit ang bumabalot sa puso ko sa oras na ito. “She’s hurting right now so in the meantime, give her some space and she’ll come around.”

Passionate Obssession [R-18 SPG] Where stories live. Discover now