☢️CHAPTER 7☢️

15.8K 345 23
                                    

Tahimik kong pinagmasdan ang sasakyan niyang paalis pagkatapos niya akong maihatid sa apartment. Bago siya umalis ay kinuha niya ang susi ng sasakyan ko para maipaayos na niya kinabukasan.

I'm still in shock for his display of possessiveness in the car that I became speechless for the rest of the drive. Hindi ako sanay sa ganon. Yes, I've loved before and it took me time to develop those feelings for someone pero bakit siya, hindi pa niya ako lubusang kilala pero he's already vocally declaring his so-called love for me.

Napabuntung-hininga ako at binuksan ang apartment ko. Tinext ko si Alee at Neil na nakauwi na ako. Minutes later, nagtext din si Alee na nakauwi na siya.

Naligo na ako at humiga sa kama. I can't help it but my mind is thinking about Krypton again. Now that I've seen him for a few times, may naalala ako tuwing nakikita ko ang mukha niya. I admit may itsura siya at kahawig niya si Lee Minho sa kinis ng mukha at tangos ng ilong pero aside from all those features, something in him is quite familiar. But no matter how hard I think about it, I cannot pinpoint that familiarity.

Kinabukasan, nagising ako sa malakas na ringtone ng phone ko, an indication na may tumatawag. Groggily, I reach out for my phone and with a sleepy voice, I answered the call but I'm greeted back with a powerful voice that sent shivers to my spine rendering all my senses awake.

"Good morning love."

Nagising agad ang diwa ko at Napabangon ako mula sa pagkahiga. Tinignan ko ang caller ID pero unregistered number. Si Krypton ang tumawag at hindi ko pa pala nasave ang number niya.

Aissh. I check the time and it's 7:10 in the morning. Ano na naman bang problema nito? Umagang-umaga, nang-iistorbo ng tulog. Walang sabing pinatay ko ang tawag at humiga ulit.

Isang segundo pa lang ang nakalipas nang pumikit ako pero tumunog ulit ang phone ko. I chose to ignore it pero hindi pa rin tumitigil. Aissh. Inis kong sinagot ang tawag.

"Oh?!"

"I'm outside."

Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya at agad aking napatayo. "H-ha? Nasa labas ka? " Then stay there. Gusto kong sabihin pero nagtimpi ako.

"I brought your car." saad niya.

Dali-dali kong inayos ang buhok ko at humablot ng isang jacket to cover up my body. Nakawhite t-shirt lang kasi ako without bra at nakashorts lang. I zip up the jacket bago ako lumabas ng kwarto at binuksan ng bahagya ang main door.

I peek my head out, careful not to show my body. Nakangiti siyang tumingin sa akin habang hawak-hawak ang phone niya sa may tainga niya. It seems like he's talking to someone over the phone.

"Yes po, Tita. Gising na po siya." dinig kong sabi niya sa kung sino mang kausap niya sa phone.

Kunot noo ako nang biglang iabot ni Krypton ang phone niya palapit sa akin.

"It's your Mom." nakangiting saad niya.

What? So now, they're calling each other?

"Twilight, anak." It's definitely my mother. "Gumising ka na at magbreakfast. Pinadalhan ka ng pagkain ni Krypton."

"Ha? Ma, ayo-"

"Sige na anak at may pasyente pa ako. Enjoy your breakfast with Krypton. Love you!" Pagkasabi niya nun ay pinatay na niya ang tawag.

I shoot a glare at Krypton who's smirking as he gets back his phone and puts it back to his pocket. Bumaba ang tingin ko sa hawak niyang paper bag.

"Now, let me in Twilight. You heard your Mom, let's enjoy our breakfast." sabi niya at akmang papasok pero hindi ako tumabi at tinignan lang siya ng masama.

Passionate Obssession [R-18 SPG] Where stories live. Discover now